Balita

Mugabe nagbitiw matapos ang 37 taon

-

Kumapit sa kapangyari­han ang 93-anyos na si Mugabe sa loob ng isang linggo kasunod ng kudeta ng militar, habang hinihimok siya ng ZANU-PF na bumitaw na. Pormal siyang nagbitiw matapos simulan ng parliament ang impeachmen­t process na nakikitang tanging legal na paraan para puwersahin siyang umalis.

Nagdiwang ang mga tao sa joint sitting ng parliament nang basahin ni Speaker Jacob Mudenda ang maikling resignatio­n letter ni Mugabe. Nagkukulon­g ngayon si Mugabe sa kanyang bahay sa Harare, at hindi nagpakita sa publiko.

Nagsayawan ang mga tao sa mga kalye ng Harare at bumusina ang mga sasakyan sa balitang nagtapos na ang panahon ni Mugabe – na pinamunuwa­n ang Zimbabwe simula nang kalayaan nito noong 1980. Ang iba ay nagwagaywa­y ng mga poster ni Mnangagwa at ni army chief General Constantin­o Chiwenga.

Sinabi ng Amnesty Internatio­nal na sa ilalim ni Mugabe libu-libong mamamayan ang pinahirapa­n, naglaho, o pinatay.

HARARE (Reuters) – Nagbitiw si Robert Mugabe bilang president ng Zimbabwe nitong Martes, isang linggo makaraang kumilos ang army at ang mga dati niyang kaalyado sa pulitika para wakasan ang halos apat na dekadang pamumuno ng lalaki na minsang itinuring na independen­ce hero at kalaunan naging kinatataku­tang diktador.

Ang kanyang dating vice president na si Emmerson Mnangagwa, na ang pagkakasib­ak nitong buwan ang nagtulak sa militar na makialam para puwersahan­g paalisin si Mugabe, ang manunumpan­g presidente sa Miyerkules o Huwebes, ayon kay Patrick Chinamasa, legal secretary ng namumunong ZANU-PF party, sa Reuters.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines