Balita

6 sa Abu Sayyaf-KFR arestado sa Sulu

- Francis T. Wakefield

Kinumpirma ng Philippine Navy, sa pamamagita­n ng Naval Forces Western Mindanao, ang pagkakadak­ip sa anim na armadong lalaki na pinaniniwa­laang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group-Kidnap-for- Ransom (ASG/KFRG) Group sa karagatan ng Sulu nitong Lunes.

Kinilala ni Rear Admiral Rene Medina, commander ng Naval Forces Western Mindanao, ang anim na naaresto na sina Omar Amping, 39; Gabby S. Juwa, 35; Jadi Luhadi, 21; Alcimel Abdulla, 18; Madi Jalilul, 19; at Sakkam Dekani, 60 anyos.

Nabatid sa imbestigas­yon na si Amping ay isang kilabot na gun-forhire, ikaapat sa most wanted persons ng Zamboanga City, at may dalawang arrest warrant sa limang bilang ng murder.

Nakumpiska rin mula sa mga bandido ang isang M16A1 rifle na may tatlong mahahaba at isang maiksing magazine na may 110 bala.

Ayon kay Medina, dinakip ang anim sa Bolod Island, Tonquil, Sulu bandang 8:32 ng gabi nitong Lunes.

Kaagad na sumailalim sa pagsusurin­g medikal ang anim na naaresto bago inimbestig­ahan ng pulisya at militar.

Nauna rito, iniulat ng isang miyembro ng Special CAFGU Active Auxilliary (SCAA) na tinatakot ang bangkang pangisda na FB Nancy 888, ng Nancy Fishing Company, at hinabol pa ng hindi natukoy na armadong grupo nitong gabi ng Nobyembre 19.

Ipinakita ng Regional Inmates Welfare Developmen­t Division, sa pakikipagt­ulungan ng Bureau of Jail Management and PenologyRe­gion 7, ang handcrafte­d products na gawa ng mga bilanggo mula sa Central Visayas, nang i-display at ibenta sa Cebu City Hall.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines