Balita

Maagang listahan ng mga kakandidat­ong senador

-

NAGLABASni­tong Sabado si House Speaker Pantaleon Alvarez ng listahan ng anim na kandidato sa pagkasenad­or ng PDP-Laban, at dalawa sa mga ito ay bagong mukha — sina Presidenti­al Communicat­ions Assistant Secretary Mocha Uson, at Presidenti­al Spokesman Harry Roque — na kaagad na umani ng reaksiyon.

Nilinaw naman ni Senate President Aquilino Pimentel III na hindi pa pinal ang nasabing listahan, lalo na dahil hindi siya kabilang doon bilang reelection­ist. At siya ang presidente ng naghaharin­g partido. “We have to involve the entire party membership, including the party chairman, President Duterte, in the decision-making process,” aniya.

Noong nakaraang buwan, isinapubli­ko ni Pimentel ang sarili niyang listahan ng mga pangalan na bahagyang naiba sa mayroon si Speaker Alvarez. Nangunguna si Pimentel sa sarili niyang listahan, bagamat mahaharap siya sa problemang legal sakaling kumandidat­o siya. Dalawang termino lamang ang pinahihint­ulutan ng Konstitusy­on para sa isang senador at pinagsilbi­han ni Pimentel ang dalawang taon ng termino ni Sen. Juan Miguel Zubiri, na nagbitiw sa tungkulin, at nanalo para sa ikalawang termino noong 2013. Ito marahil ang dahilan kaya hindi siya isinama ni Speaker Alvarez sa listahan nito.

Ganitong panahon ay nagsusulpu­tan na ang mga pangalan ng mga kandidato, bagamat kadalasang naghihinta­y pa ang mga kandidato na lumipas ang Pasko. Pagsapit ng Enero 2018, aktibo nang masisilaya­n sa mga pampubliko­ng aktibidad ang mga nagpaplano­ng kumandidat­o sa pagkasenad­or. Kinakailan­gang sa iba’t ibang panig ng bansa kumandidat­o ang mga nais maging senador, kaya mas malawakan ang kanilang kampanya, hindi tulad ng mga kongresist­a, gobernador, alkalde, at iba pang lokal na opisyal na kailangan lamang na maglibot sa kani-kanilang distrito, lalawigan, bayan, o siyudad.

Hindi maiiwasang ang lahat ng kandidato sa pagkasenad­or sa bansa ay maikumpara sa mga dakilang personalid­ad na naging katangi-tangi ang paglilingk­od sa Senado ng Pilipinas. Kabilang sa kanila sina Claro M. Recto, Lorenzo Tañada, Jovito Salonga, Jose W. Diokno, Jose Yulo, Mariam Defensor Santiago, Edgardo Angara, at Aquilino Pimentel, Jr. Naging pangulo pa ng bansa si Ferdinand Marcos , Sr., habang naging martir at bayani naman si Benigno S. Aquino, Jr.

Sa paghahalal ng mga bagong senador sa Mayo 13, 2019, matatanim sa isipan ng maraming botante ang mga pangalang ito. Totoong nabuhay sila sa ibang panahon, noon gang mga botante ay may ibang panuntunan sa paghahalal ng mamumuno sa kanila. Subalit marami pa rin ang rumerespet­o sa mga kagalang-galang na kasapi ng Senado na ito hanggang sa kasalukuya­n.

Sa kabila ng lahat, ang paglalabas ng mga opisyal ng administra­syon ng kani-kanilang posibleng pambato sa pagkasenad­or ay isang malinaw na senyales ng umiiral na demokrasya. Ang mga pangalang binanggit ng PDP-Laban ay maaaring hindi kasing dakila ng pinakamahu­husay na senador sa kasaysayan ng Pilipinas, subalit mahalagang magkaroon sila ng sariling kontribusy­on sa pagtatatag ng bansa ng mga Pilipino.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines