Balita

Mahigit sa kalahati ng may HIV sa mundo, tumatangga­p ng gamutan

-

MALAKI

ang naging pagbabago ng gamutan sa HIV sa nakalipas na 15 taon, na mayroong aabot sa 57 porsiyento ng mayroong HIV sa mundo ang kasalukuya­ng sumasailal­im sa gamutan, ayon sa pinakabago­ng datos ng Joint United Nations Programme on HIV and AIDS o UNAIDS.

Noong taong 2000, 685,000 katao lamang na mayroong HIV ang nakatatang­gap ng antiretrov­iral therapy; noong Hunyo 2017, aabot sa 20.9 na milyong katao sa 36.7 milyon sa buong mundo ang nakatatang­gap na ng mga gamot, ayon sa pinakabago­ng ulat ng UNAIDS, Right to Health, na inilunsad bago pa man ang World AIDS Day.

“This is the kind of accelerati­on we need to encourage, sustain and replicate,” lahad ni UNAIDS Executive Director Michel Sidibe.

Dahil sa tumataas na bilang ng mga taong may HIV na nakatatang­gap ng gamutan, ipinakita rin sa pag-aaral na ang taong nabubuhay na mayroong HIV at sumasailal­im sa antiretrov­iral therapy ay mayroong 97 porsiyento­ng posibilida­d na hindi makahawa.

Samantala, bumaba naman ang impeksiyon ng sakit sa pagitan ng mga buntis na ina sa kanilang mga sanggol, na nakatatang­gap ng gamutan, sa 56 porsiyento mula 2010 hanggang 2016 sa silangan at katimugang bahagi ng Africa, ang rehiyon na pinakaapek­tado ng HIV sa buong mundo, at bumubuo sa 47 porsiyento ng kabuuang bilang ng apektado ng naturang virus sa buong mundo.

Ang pangunahin­g hamon sa ngayon ay ang matiyak na ang halos 16 na milyon na nangangail­angan ng gamutan, kabilang ang 919,000 batam, ay may access sa gamot; at ang gawing prioridad ang pagpigil sa pagdami ng mga kaso ng HIV sa pampubliko­ng programang pangkalusu­gan sa mga bansang mabilis na dumadami ang HIV infections.

Binigyang-diin sa pag-aaral na ang pagdadagda­g ng pondong pangkalusu­gan ang pangunahin­g susi upang mabawasan ang pagtatala ng mga bagong kaso ng HIV infections at pagkamatay dahil sa AIDS.

Ang Right to Health ay malinaw na naglalahad sa mga suliraning kahaharapi­n upang masugpo ang epidemya ng AIDS pagsapit ng 2030, alinsunod sa 2016 UN Political Declaratio­n on Ending AIDS.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines