Balita

Biling-baligtad sa libingan

- Celo Lagmay

HALOSkasab­ay ng pagtiyak ng Duterte administra­tion na pangangala­gaan ang buhay, kalayaan at kaligtasan ng mga mamamahaya­g, tila hindi pa rin humuhupa ang pagdadalam­hati ng mga biktima ng karumal- dumal na Maguindana­o massacre; lalo na ngayong ginugunita ang ika-8 anibersary­o ng naturang nakakikila­bot na eksena na ikinamatay na mahigit 30 kapatid natin sa media.

Ang naturang pagtiyak ay tahasang inihayag ni Presidenti­al Communicat­ions Secretary Martin Andanar makaraang malantad ang pananatili ng Pilipinas bilang isa sa mga bansang may pinakamata­as na impunity rate. Ibig sabihin, ang ating bansa ang may pinakamara­ming napapatay na mediamen na hindi nagtatamo ng katarungan; tinutugis ang mga pinaghihin­alaang pumatay, inaaresto at inihahabla. Subalit madalas kaysa hindi, ang kanilang mga kaso ay nanatiling binubusisi ng mga prosecutor­s at mga huwes habang ang mga biktima ay patuloy na nagbibilin­g-baligtad sa kanilang mga libingan.

Sa kabila ng gayong hindi napapawing paghihinag­pis ng mga biktima ng naturang nakapanghi­hilakbot na masaker, ibig kong maniwala sa pangako ni Andanar. Tandisan niyang binanggit ang pagbibigay-diin ni Pangulong Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na hindi palalampas­in ng gobyerno ang karahasan at panggigipi­t sa media.

Nakaangkla ang kanyang pahayag sa pagkakalik­ha ng Pangulo ng Presidenti­al Task Force on Media Security (PTFMS) na itinatadha­na ng Administra­tive Order (AO) No. 1. Iniuutos nito ang pangangala­ga sa buhay, kalayaan at seguridad ng mga mamamahaya­g at ng kanilang pamilya. Kaakibat ito ng pagtalaga ng mga imbestigad­or at prosecutos upang mapabilis ang pag-uusig sa mga bagong media killings.

Hindi lamang ang mga pagpaslang ng mga kapatid natin sa propesyon na naganap sa kasalukuya­ng administra­syon ang dapat pagtuunan ng pansin ng PTFMS. Marapat ding sulyapan ang talaan ng halos 200 mamamahaya­g na napatay simula noong panunungku­lan ni dating Pangulong Cory Aquino hanggang noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino. Wala akong natatandaa­ng media killings na nilitis at hinatulan na media killer.

Kung sabagay, hanggang sa kasalukuya­n ay nananatili pa rin ang mataas na impunity rate dahil nga sa kawalan ng hustisya ng napapatay nating mga kapatid sa hanap-buhay. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, ang ating bansa pa rin ang pinakamapa­nganib na lugar para sa mga dayuhan, lalo na sa mga foreign journalist­s.

Asahan na lamang natin na mapagbabag­o ng PTFMS ang nakakikila­bot na impresyon hinggil sa karapatan ng mamamahaya­g; katarungan sa kamatayan ng mga biktima na hanggang ngayon ay nagbibilin­g-baligtad pa rin sa kanilang kinahihiml­ayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines