Balita

Dahilan kung bakit sinibak si Santiago

- Bert de Guzman

NAGSALITAn­a ang Malacañang tungkol sa pagkakasib­ak ni Ret. Gen. Dionisio Santiago bilang chairman ng Dangerous Drug Board (DDB). Ang tunay palang dahilan kung bakit ipinasiya ni President Rodrigo Roa Duterte na alisin sa puwesto si Santiago ay dahil umano sa paggamit ng pera ng bayan sa mga biyahe niya sa ibang bansa. Of course, itinanggi ito ni Gen. Tagoy, ang kanyang palayaw.

“What a twist of fate”, ‘ika nga ng mga Inglesero. Bakit kanyo? Kasi mismong si Santiago ang main source o may-akda ng drug list na kinaroroon­an ng mga pangalan ng pinaghihin­alaang drug lords, pushers, users. Naroroon din sa listahan ni Santiago na laging binabanggi­t ni PRRD sa mga okasyon ang mga Heneral na umano’y protectors ng drug lords, gaya nina Marcelo Garbo, Gen. Pagdilao, Gen. Vicente Loot na ngayon ay Bantayan mayor sa Cebu, at iba pa.

Ngayon, si Santiago na nagbigay ng drug watch list kay Mano Digong ay akusado sa pagkupkop o protector umano ng drug lords, gaya ng alkalde ng Ozamiz City, si Mayor Reynaldo Parojinog na napatay ng mga pulis, kasama ang ginang, kapatid at mga tauhan. Sa alegasyon, binigyan daw si Santiago ng mansion ni Parojinog sa nasabing siyudad.

Sa presscon, binanggit ni Presidenti­al spokesman Harry Roque ang letter complaint ng DDB Employees’ Union na nag-aakusa kay Gen. Tagoy ng pagsasama sa biyahe ng pamilya, malalapit na empleyado at ang kanyang “Girl Friday” at tagatimpla ng kape na si Edith Julie Mendoza.

Nabanggit din sa reklamo ng DDB Employees’ Union na binasa ni Roque, na nagpunta si Santiago sa US kasama ang kanyang mistress o kulasisi at favorite DDB employees upang dumalo sa briefing sa follow-up ng Commissioo­n on Narcotic Drugs.

Kaugnay nito, sinabi ng pangulo ng DDB Employees’ Union na si Joan Desiderio na nagulat ang mga miyembro ng unyon kung bakit binanggit ni Roque ang kanilang asosasyon sa corruption allegation­s laban kay Gen. Tagoy. “We explicitly deny that the letter came from us. We were surprised that the briefing mentioned that the complaint came from us, that if came from the DDB Union. It did not come from us,” pahayag ni Desiderio.

Idinagdag pa niya na kinausap niya si Priscilla Herrera, ang tanging pumirma sa umano’y complaint letter, na nag-deny din na sumulat siya kay Pangulong Duterte. Si Herrera, assistant executive sa DDB sa loob ng maraming taon, ay hindi miyembro ng DDB-EU, paglilinaw ni Desiderio.

Sinabi niya na suportado ng unyon ang kampanya ni PDU30 laban sa kurapsiyon ng mga opisyal, pero dapat i-validate na mabuti ang mga alegasyon kung may katotohana­n. Hintayin natin ang susunod na developmen­ts sa kaso ni Gen. Santiago, main source ng drug list na laging iwinawagay­way ni Pres. Rody. Abangan nating kung si PRRD ay naging biktima rito ng FAKE NEWS at wrong informatio­n!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines