Balita

Aksiyon-serye ni Dingdong, pasabog ang finale week

-

DAHIL

sa pinaghalon­g action, drama, at comedy, tinutukan at sinubaybay­an ng loyal viewers ang pangalawan­g season ng primetime series na Alyas Robin Hood. Ngayong finale week, mas maiinit at maaaksiyon­g eksena pa ang inaabangan. Ayon kay Dingdong

Dantes, malaki ang pasasalama­t nila sa network na binigyan sila ng second season.

“’ Yung buong book two is really a bonus para sa amin. Hindi rin namin in-expect na magkakaroo­n ng pangalawa. Para sa amin, grabe na ‘yung pasasalama­t namin sa network dahil binigyan kami ng another chance para maipakita ang istorya ni Pepe,” sabi ng Kapuso Primetime King.

Dagdag pa niya, naging pamilya na ang turingan nila sa set at masaya siyang nakatrabah­o ang ilan sa pinakamahu­husay na mga aktor sa industriya.

“Siyempre, higit isang taon ba naman kayong magkakasam­a at masaya lahat. ‘Tapos nadagdagan pa ng mga kuwelang tao, mga bagong cast. ‘Yun ang unforgetta­ble talaga,” aniya. Samantala, parehong ikinagulat nina Pepe (Dingdong) at Emilio ( Edu Manzano) ang rebelasyon na sila pala ang tunay na mag-ama. Ngayong ligtas na ang plaza, hahabulin ni Pepe ang van na sinasakyan ni Emilio. Sa paghaharap ng dalawa, kaabang-abang kung itutuloy ni Emilio ang planong pagpatay kay Pepe kahit alam na nito ang totoo. Tuluyan na nga kayang mawawala si Pepe kay Venus ( Andrea Torres)? At mababawi pa ba ang hustisyang matagal nang ipinaglala­ban ni Alyas Robin Hood? Huwag palampasin ang huling linggo (Nobyembre 20-24) ng Alyas Robin Hood pagkatapos ng Super Ma’am sa GMA Telebabad.

 ??  ?? Dingdong
Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines