Balita

Sue, lalaban ng kissing scene kay Arjo

- –Reggee Bonoan

NATAWA ang bloggers na dumalo sa blogcon ng Hanggang Saan kay Sue Ramirez na walang preno ang mga pinagsasab­i kaya naloka pati ang co-stars niyang sina Mario Mortel, Yves Flores, Maris Racal at Arjo Atayde.

Tinanong kasi silang lahat kung hanggang saan ang kaya nilang ibigay sa serye, kung okay sa kanila ang kissing scene.

“Ang pangalan ko po ay Go- Go- Go with everything, kung papayagan ako ng management ko ( Star Magic), kung papayagan ako ng mommy ko at kung okay kay Arjo, go ako,” diretsong sagot ng aktres.

Balik-tanong namin, wala man lamang ba siyang limitasyon para sa sarili niya gayong edad 21 pa lang siya?

“Ako, okay po ako, wala akong arte talaga, eh, saka wala akong malisyang tao. As long as nire-require siya ng trabaho at kailangan kong gawin, I’m willing to do it at saka pinasok ko itong business na ito, if that’s what it requires then I would give in,” sagot ni Sue.

Hindi ba magsesesel­os ang napapabali­tang boyfriend niyang si Joao na miyembro ng Boyband PH?

“Hindi ko alam, ‘tanong natin siya,” kaswal na sabi ng dalaga.

Klinaro ni Sue na wala silang pormal na relasyon ni Joao, pero aminadong nagre-report sila sa isa’t isa kung ano ang mga ginagawa nila.

“As much as I can, nagsasabi kami kung nasaan kami. Oo nga, ‘no, magseselos kaya siya? Naintindih­an naman namin, pareho ang work namin, so siguro maiintindi­han naman niya, baka may konting kirot, ha-haha, charot! Napag-usapan naman ‘yung mga ganu’n bagay, kung anuman ‘yung maganap sa teleserye, alam naming pareho na trabaho lang,” natawang sabi ng dalaga. Secured ba sina Sue at Joao sa isa’t isa? “Wala pa kami sa ganu’n, siguro ganito, kung magdi-date ka ng isang tao, bakit ka magdi-date ng marami? Pero hindi kami, we’re just dating and were happy together.” Hirit namin, ‘ganu’n na rin ‘yun! Iba talaga ang millennial­s, komento namin, wala nang pormal na usapan. “Opo, ganu’n nga po, ewan ko ba sa amin,” umayong sabi naman ng bagong ka-love team ni Arjo.

Isa pang magandang sagot ni Sue kaya walang label ang relasyon nila ni Joao, “Feeling ko kapag may label na, magkakapre­ssure na, so, we’re taking it slow kaya wala kaming pressure sa isa’t isa, pero of course ibibigay niya ‘yung trust niya, ibibigay ko rin ‘yung trust ko.”

Base sa ipinakitan­g trailer ng Hanggang Saan na mapapanood na sa Nobyembre 27, Lunes pagkatapos ng Pusong Ligaw, may binaril si Sylvia Sanchez dala ng pangangail­angan ng anak.

Kaya tinanong si Sue kung isusuplong ba niya sa awtoridad ang nanay niya oras na nakapatay o may ginawang krimen.

“Siguro kung reasonable kasi tinuruan akong maging fair sa lahat ng bagay, basta ganu’n. Ewan ko, hindi naman nakapatay nanay ko (sabay pasa ng mikropono),” patawang sagot ng dalaga.

Inamin ni Sue na iba ang takbo ng isip ng generation nila.

“Ako lang, sa napansin ko sa generation namin, mas preferred nilang kasama ‘yung friends nila na hindi nila naiisip ang parents nila. You’re growing up and you don’t realize that your mom and dad is growing old, too and soon enough they won’t be around anymore. Like my dad died four years ago, it’s a big regret for me that I didn’t spent enough time with him and that’s what I’m doing now, I’m making bawi to my mom.

“Kaya mumulatin ng show na ito, Hanggang Saan ang millennial­s na balikan mo ‘yung mga taong nagmamahal sa ‘yo thru thick and thin hindi ka iiwan at ang pamilya mo ‘yun. Okay lang naman na may mga kaibigan ka,” magandang pahayag ni Sue.

 ??  ?? Arjo at Sue
Arjo at Sue

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines