Balita

Carl Aquino, angat sa mga kasama

- –Reggee Bonoan

NAPAGKAMAL­ANG kabilang sa angkan ni Kris Aquino ang isa sa mga tisoy na bagets na miyembro ng Clique 5 na si Carl Aquino.

Agad klinaro ni Carl na kaapelyido lang niya ang Queen of All Media.

Sumali sa Circle of 10 pageant at napasama sa finalists si Carl kaya siya nadiskubre ng manager niyang si Tom Adrales.

“After po nu’ng Circle of 10, dito na ako sa Clique 5, nag-start kami as a group last September lang po, kaya bago lang po talaga kami,” kuwento ni Carl.

Sa Philippine Christian University nag-aaral ng kursong ICT Computer programmin­g ang binata at bihasa nang sumali sa mga pageant dahil gustung-gusto niyang maging artista.

“Dati po sumali na ako sa national pageant, Mr and Miss Olives ‘yung sa Placenta, hindi po ako nanalo pero kinuha akong ambassador ng Olives Sea Salt, wala nap o akong contract kasi 15 months lang po, tapos sumali na ako ng Circle of 10.

“Naging dancer din po ako sa For Rent, amateur dance group po ako, lumalaban sa mga barangay. Dati pong solo artist, eh, nahirapan akong umangat kasi ikaw lang sa sarili mo, kailangang mag-work hard para umangat, ‘tapos freelance pa. Kaya sumali na lang ako sa grupo.

“Kaya ngayong Clique 5, hopefully makilala na kami as a group, wala pa kaming show, nagaunderg­o pa rin kami ng workshops at may ilang radio guestings.

“Gusto ko pa talagang mag-artista kaya nagpupursi­ge ako pero hindi po ako nag-stop sa pag-aaral tuluy-tuloy lang po ako. Daddy kop o kasi dating member ng That’s Entertainm­ent, si Gary Laurente po, Tuesday Group. ‘Yung Aquino po, surname ng mother niya. Nag-iisa lang po akong anak at OFW na ngayon ang daddy ko sa Kuwait.

“Na-inspire po ako sa daddy ko na ‘yung hindi niya nagtuloy na mag-artista, gusto kong ako sana ang magtuloy. Hindi naman niya ako in-impluwensi­ya gusto ko lang po talaga,” pagpapakil­ala ni Carl sa sarili.

Bagama’t nag-iisang anak ay hindi naman daw spoiled si Carl at kaya rin siya nagpupursi­geng mag-aral at maging artista ay para tulungan ang magulang. Hangad din niyang makasama ang ama na laging wala sa piling nilang mag-ina simula noong Grade 1 siya.

“Umuuwi naman po every two years ang dad ko,”sambit ng binata.

Malaki ang potensiyal na makilala si Carl dahil sa kanilang lima ay siya ‘yung nakaaangat, para sa amin, bukod pa sa magandang ngumiti, maganda ang mga ngipin, mabait kausap at marespeto.

Sabi ni Katotong Leo Bukas na isa sa publicists ng Clique 5, “Magalang at mabait ‘yan kasi laging nakabantay ang nanay.”

Mama’s boy ba siya, tanong namin sa bagets, “sakto lang po.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines