Balita

Linkin Park na-kick out sa American Music Awards

-

PINALABAS

umano ang mga miyembro ng Linkin Park sa 2017 American Music Awards nitong Linggo, makaraang tanggapin ang parangal bilang Favourite Artist - Alternativ­e Rock. Ibinahagi ng bandmember na si Mike

Shinoda ang kanilang karansan nang gabi iyon sa Los Angeles ceremony sa Instagram, at isiniwalat na muntik na silang palabasin bago pa man nagsimula ang event, at lumalabas na tila nabigyan sila ng maling ticket para sa prizegivin­g.

Kasama ang isang selfie, aniya, “we don’t have the right tickets and passes (they may kick us out)”.

Isiniwalat din ni Shinoda na hinahanap ng security officials ang grupo at “deciding whether or not to kick us out” matapos nilang kumbinsihi­n ang ilang staff na mga nominado sila, bago kinumpirma ng representa­tive ng show ang kanilang pagkakakil­anlan at binigyan sila ng makeshift passes upang maupo na sa loob ng Microsoft Theater.

Gayunman, naudlot ang selebrasyo­n nang tanggapin nila ang Favourite ArtistAlte­rnative Rock trophy, na inialay nila sa pumanaw na frontman nila na si Chester Bennington. “Uh oh they’re kicking us out,” ani Shinoda sa fans sa isang video habang nagkikipag-usap sa miyembro ng security at sa isang pulis. Tinapos naman ni Mike ang usapin sa pagpo-post pagpo p ng selfie, na nakapeace sig sign, at may caption sa post na, “oh “well. Goodnight!” H ind i i pa nakakap nakakapagk­omento ang mga ta tagapagsal­ita ng AMAs, ga at hindi pa malinaw k kung niloloko lang ni Shinoda ang kanyang fans, dahil nag- post siya sa Twitter nitong Martes na biro lamang ito. “Shout out to lazy journalist­s, clickbait, and gullible readers,” aniya sa post.

 ??  ?? Brad, Mike at Rob
Brad, Mike at Rob

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines