Balita

David Cassidy, pumanaw na

-

PUMANAW na ang aktor at singer na si David Cassidy dahil sa komplikasy­on na may kaugnayan sa dementia. Binawian ng buhay ang 67 taong gulang na bituin ng The Partridge Family nitong Martes sa Fort Lauderdale area hospital sa Florida, na kinumpirma ng kanyang publicist na si JoAnn Geffen sa Variety. Gumanap ang aktor at musikero bilang si Keith Partridge sa U. S. TV show sa loob ng apat na taon, at isa sa mga pinakamala­laking pangalan sa industriya noong 1970s.

N i tong nakaraang buwan, na- coma siya at nagpagalin­g sa medical facility. Iniulat ng TMZ na bumigay na ang bato ng bituin at kailangan ng liver transplant.

N i tong nakaraang Linggo, ibinunyag ng tagapagsal­ita ng I Think I

Love You hitmaker na dinala na sa intensive care unit ang aktor: “He is conscious and surrounded by family and friends, nothing is imminent and we are taking it day by day,” ani Geffen.

Bumagsak ang kalusugan ni Cassidy at ngayong taon ay isiniwalat na mayroon siyang dementia.

Nang makipag- usap sa People magazine noong Pebrero, inamin ni Cassidy na lahi nila ang pagkakaroo­n ng naturang sakit at nakita niya ang kanyang ina nang mamatay sa naturang karamdaman.

Nagdesisyo­n din si David na itigil na ang pagtatangh­al sa tour at ituon ang sarili sa pagpapagal­ing sa dementia.

“I was in denial, but a part of me always knew this was coming,” aniya. “I want to focus on what I am, who I am and how I’ve been without any distractio­ns. I want to love. I want to enjoy life.”

Isinilang noong Abril 1950, ang kanyang stepmother ay si Shirley Jones, na gumanap bilang TV mum sa The Partridge Family.

Tatlong beses na ikinasal, inulila ni David ang anak na si Beau Devon na anak nila ni Shifrin at anak na si Katie Cassidy kay Sherry Williams.

 ??  ?? David
David

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines