Ika-87 labas
NAGPASYAang mga tambulislis sa pamumuno ni Malut na tulungan sina Mang Edgardo at Mang Daniel laban sa mga tauhan ni Don Andres. At nakaisip na sila ng paraan kung paano magagawa ito.
“Malut, tapos na ang paghahanap natin sa kababata, kumpare at matalik na kaibigan ni Mang Edgardo”, wika ng tambulislis habang tulad ng lider ng grupo ng mga nilikha, nakalutang sa ere. “Bakit?” Tanong ni Malut. “Nakita ko na ang lugar na pinagdalhan kay Mang Daniel ng mga lalaking may takip sa mukha,” sagot ngtambulislis.
\
“Bonnet ang tawag ng mga tao sa damit na nakatakip sa mukha ng mga lalaking ‘yun,” wika ni Malut. “Saan nila dinala ‘yung kababata, kumpare at matalik na kaibigan ni Mang Edgardo?”
“Sa bagong gawang koprahan sa burol na ‘yun,” sagot ng tambulislis na itinuro ang burol ng Mahantik. “Totoo?” Tanong ni Malut. “Totoong-totoo,” sagot ng tambulislis. “Kitang-kita ng dalawa kong mata ang taong hinahanap at apat na lalaking nagbabantay!”
“Halika, puntahan natin ang kanilang kinaroonan, sumunod ka sa akin,” wika ni Malut.
Mabilis na lumipad at bumulusok ang tambulislis kasunod si Malut ng makarating sa tapat ng koprahang kinaroonan ni Mang Daniel at apat na lalaking may takip ang mukha na mga tauhan ni Don Andres Hamoria. Labis na nasiyahan ang lider ng mga tambulislis dahil nakita sa kubakob ang mga taong hinahanap nila. At muli sa pamamagitan ng kapangyarihang tagabulag ng nilikha mula sa daigdig ng kababalaghan, nakapasok ang dalawang tambulislis sa bagong gawang koprahan sa burol ng Mahantik. Dahil hindi alam na may nakapasok na mga nilikha mula sa daigdig ng kababalaghan sa kubakob nilang kinaroonan, tuloy lang sila Dodong, Sendong, Rading at Rolan sa pagbabantay sa kanilang bihag. Lihim sa kanilang kaalaman patuloy pa ring nag-iisip ng paraan si Mang Daniel para makatakas. Hindi na niya pinag-aksayahan ng panahong alamin ang lugar lugar na kinaroonan dahil higit niyang pinahalagahanang layuning makawala sa mga taong dumukot sa kaniya at bumihag.
Natitiyak ni Mang Daniel na kapag nakawala sa pagkakabihag at nakaalis sa lugar na kinaroonan, kaagad niyang malalaman kung saan siya dinala ng mga kidnapper. Natiyak niya ang bagay na ito dahil tiyak niyang nasa nasasakupan pa sila ng barangay Bayan-bayan o kalapit na barangay dahil maikling sandali lamang ang ginugol sa paglalakbay ng traysikel na pinagsakyan sa kaniya. Ang tanging malabo lang kay Mang Daniel, ang direksyong tinahak ng sasakyan dahil pinaikotsiya ng mga lalaki bago tumakbo ang traysikel. Natitiyak niyang magaganap ang mga naglalaro sa utak dahil halos lahat ng lugar sa Bayan-bayan at kalapit na barangay, nagala nila ni Mang Edgardo noong kanilang kabataan. At minsan pa, tinapunan ng tingin ni Mang Daniel ang isang motorsiklo at traysikel na nakaparada sa harap ng bagong gawang koprahang lingid sa kaalaman niya, nakatirik sa malawak nalupain ni Don Andres.
Ginawa ni Mang Daniel ang lihim na pagmamasid sa dalawang
Sasakyan sa pagnanais makakita ng palatandaang makakatulong sa kaniya paramakilala ang tao o mga taong nasa likod ng krimeng naganap sa kaniya. Ngunit dahil iniutos ni Don Andres na tiyaking malinis ang gagawing krimen, tinanggal nila Sendong, Dodong, Rading at Rolan ang anumang pagkakakilanlan sa dalawang sasakyan. Matapos pagmasdan ang traysikel, matagal ding pinagmasdan ni Mang Daniel ang motorsiklosa pagbabakasakaling makakita ng palatandaan para makilala ang may-ari, ngunit muli siyang nabigo.Kaya tulad ng dati niyang ginawa, lihim niyang pinakinggan ang pag-uusap ng apat na lalaking nananatiling nakasuot ng bonnet sa hangaring makikila sa pamamagitan ng boses. Ngunit kahit malinaw na naulinigan ni Mang Daniel ang pag-uusap ng mga lalaking nagbabantay sa kaniya, hindi niya nakilala ang boses dahil noon lang narinig. Itutuloy...