Balita

AYAWAN NA!

Pumaren at Sablan, nagbitiw bilang coach ng UE, UST sa UAAP

- Ni MARIVIC AWITAN

PAREHONG nasadsad sa lusak, ngunit magkahiwal­ay na dahilan ang nagdala kina University of the East coach Derrick Pumaren at University of Santo Tomas mentor Rodil ‘Boy’ Sablan para mag-alsa balutan at lisanin ang kani-kanilang kampo sa UAAP.

Nitong Miyerkules, pormal na ipinahayag ni Pumaren, panganay sa magkakapat­id na Pumaren sa lokal basketball, ang pagbibitiw bilang coach ng Warriors sa kanyang social network account.

Hindi masyadong idinetalye ni Pumaren, alumni ng UE at dating PBA coach, ang dahilan nang kanyang pagbibitiw matapos ang tatlong season sa Recto- based team.

Sa kanyang pangangasi­wa, tumapos ang Warriors sa 1230, kabilang ang 3- 11 para sa ikapitong puwesto sa doubleroun­d eliminatio­n sa Season 80 kung saan nabigo muli ang UE na makausad sa Final Four.

Ngunit, bukas na libro ang pagkadisma­ya ni Pumaren sa patuloy na pagbasura ng UE Board sa kanyang suhestyon na mag-recruit ng foreign players na siyang nagpapalak­as sa mga collegiate team sa kasalukuya­n.

Sa UAAP, tanging ang UE ang walang foreign players sa line-up.

“We still don’t have an import. I still have to see what kind of direction the UE management for the next season. I have to think about it,” pahayag ni Pumaren sa huling panayam ng media sa pagtatapos ng eliminatio­n ng UAAP men’s basketball.

Naging sandigan ni Pumaren sa Warriors si Alvin Pasaol na nakapagtal­a ng scoring record ngayong season nang tumipa ng 49 puntos sa kabiguan kontra La Salle. “I need horses, too,” aniya. Nauna rito, tuluyang bumigay sa negatibong birada ng mga ‘bashers’ si Sablan bunsod nang pagsadsad ng UST Tigers sa nakalipas na seasons, tampok ang pagiging kulelat ngayong taon.

Nakaiwas ang Tigers sa pagkabokya nang magwagi – sa hindi sinasadyan­g pagkakatao­n – laban sa UE Red Warriors, 88- 85, sa pagtatapos ng eliminatio­n round nitong Nobyembre 12.

Nanguna sa laban ng Tigers ang Nigerian na si Steve Akomo na kumubra ng 13 puntso at 10 rebound.

Pormal na nagbitiw sa puwesto si Sablan nitong Lunes matapos ang dalawang season sa koponan.

Kasama niyang nag- alsa balutan sa UST ang coaching staff na binubuo nina dating PBA star Gerry Esplana, Bobby Jose, Tylon Darjuan, Juben Ledesma, at Gina Francisco.

 ??  ?? Pumaren
Pumaren
 ??  ?? Sablan
Sablan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines