Balita

UST Tigresses, nakahirit ng ‘do-or-die’

- RIO DELUVIO

NAPUWERSA ng University of Santo Tomas ang ‘winner-take-all’ nang gapiin ang No.2 seed University of the East sa impresibon­g 63-53 panalo kahapon sa stepladder semifinals ng UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

“We survived two do-or-die games and I hope the girls will pull through on Saturday,” pahayag ni Tigresses coach Haydee Ong.

“We’re one step away from the finals and I know UE wii be right back so e have to be prepared and ready to counter whatever adjustment they will make,” aniya.

Nauna nang tinalo ng third-ranked UST ang Far Eastern University sa unang step-ladder match nitong Linggo.

Naghihinta­y sa championsh­ip ang nangunguna at record holder na National University Lady Bulldogs.

Nagtala si Anjel Anies ng 21 puntos, habang nag- ambag naman si Jem Angeles ng 12 puntos, 11 rebounds at walong assists kasunod si Sai Larosa na may 12 puntos at siyam na rebounds para sa nasabing panalo ng Tigresses.

Namuno naman si Ruthlaine Tacula para sa UE na may 14 puntos, pitong rebounds, tatlong assists at tatlong steals.

Mula sa 31-13 bentahe sa bungad ng second canto, nakuhang dumikit ng Lady Warriors sa 53-59 bago kinapos

sa final stretch. Marivic Awitan Iskor:

UST (63) - Anies 21, Angeles 12, Larosa 12, Jerez 10, Gandalla 6, Aujero 1, Capilit 1, Portillo 0, Sanggalang 0, Rivera 0, Peñaflor 0, Isanan 0,

Magat 0.

UE (53) - Tacula 14, Sto. Domingo 12, Requiron 11, Chan 5, Gayacao 4, Cortizano 4, Ramos 3, Antonio 0, Francisco 0. Quartersco­res: 17-9, 33-21, 47-35, 63-53

BULONG!

Tila binubulung­an ni Jheck Dionela ng Cignal ang bola papalapit sa kanya sa isang tagpo ng maaksiyong laro kontra F2 sa PSL Grand Prix nitong Martes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Nagwagi ang F2, 2522, 25-13, 25-12.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines