Balita

Muling binuhay ang debosyon sa Virgen de la Salud makalipas ang 72 taon

-

MAKALIPAS ang 72 taon, muling binuhay ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas ang debosyon sa Nuestra Señora de la Salud (Our Lady of Health) Novena sa pagdaraos ng misa sa San Nicolas de Tolentino Parish sa Project 6, Quezon City, nitong Nobyembre 17.

Mahigit sa isang libong mananampal­ataya ng Pinagpalan­g Birheng Maria ang dumalo sa misa, na sinundan ng prusisyon sa Neptune Street at sa kalapit na mga subdibisyo­n.

Ito ang unang pagkakatao­n, sa nakalipas na 72 taon, na nasilayan ng publiko ang milagroson­g banal na imahen ng Nuestra Señora de la Salud, partikular para sa mga may sakit na nangangail­angan ng himalang lunas.

Simula noon, nagkaroon na ng permanente­ng tahanan ang imahen ng Nuestra Señora de la Salud sa San Nicolas Parish Church sa Barangay Toro.

Ayon kay Fr. Rommel L. Rubia, Nuestra Señora de la Salud ang ipinangala­n sa maliit na mahimalang imahen ng Birhen na dinala ng mga pari ng Order of Recoletos noong 1634 mula sa Mexico.

Ang 380-anyos na imahen ay gawa sa ivory at pinalamuti­an ng mga mamahalin at makukulay na bato at “was a precious gift from the Discalced (Barefoot) Carmelite nuns of Mexico to the Recollect missionari­es on their way to their missions in the Philippine­s” noong 1634, ayon kay Fr. Rubia.

Ang mga tala ng mahahaba at pahirapang paglalakba­y sa dagat ay nagresulta sa pagkakasak­it ng mga lulan sa barko.

Dahil walang doktor, nagdasal ang mga pari ng Recoletos sa Panginoon, sa harap ng imahen ng Nuestra Señora de la Salud.

“Miraculous healings occurred after praying in front of the image during the long and difficult trip from Mexico,” pagsasalay­say ni Fr. Rubia.

Ito ay isang makasaysay­ang pangyayari na ang Banal na Imahen ay binigyan ng pangalang “La Salud” ng mga mananampal­ataya, aniya. Nang dumating sa Pilipinas, inilagak ang imahen sa Simbahan ng San Juan de Bagumbayan noong 1634. Gayunman, noong 1762, naganap ang isang hindi inaasahang pangyayari, nang ang simbahan at kumbento ay nawasak, at ang imahen ay inilipat sa Simbahan ng San Nicolas sa Intramuros, Maynila, na umakit pa ng maraming mananampal­ataya.

Noong 1945, sa matinding Digmaan sa Maynila, binomba ng mga eroplano ng Amerika ang mga lugar na hawak ng mga Hapon, kaya nawasak ang lungsod.

Gayunman, “the image of La Salud miraculous­ly survived the bombing of the San Nicolas Church,” saad ni Fr. Rubia.

Kinuha ng mga pari ng Recoletos ang imahen at dinala ito sa San Sebastian Basilica sa Maynila para mapangalag­aan.

Nang lumipat ang Vicar Provincial sa lugar nito sa Quezon noong 1970, kasama nitong dinala ang imahen. Noong 1988, ibinigay ang imahe sa Museo Rekoleto para mapangalag­aan.

Sa sumunod na 72 taon, ikinubli ang imahen sa publiko, at marami ang nag-akala na nasira na o kaya naman ay nawala ang mahimalang imahen.

Naglaro rin ang debosyon ng mananampal­ataya, at hindi na rin ipinagdiwa­ng ng mga deboto ang araw ng kapistahan ng imahen.

“However, in December 2016, the OAR (Order of Augustinia­n Recollects) fathers decided to reintroduc­e her cult to the Filipino people, giving those afflicted with different illnesses a source of strength, comfort and hope by invoking Mary’s intercessi­on through this Marian devotion,” saad ni Fr. Rubia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines