Balita

SALANTA SA OKC!

Durant at Westbrook, nagkagiria­n; Cavs, lusot sa Nets

-

OKLAHOMA CITY ( AP) — Muling nagpanagpo ang dating magkasangg­a at ngayon ay magkaribal na sina Russell Westbrook at Kevin Durant. Ngunit, taliwas sa nakalipas na season, umuwing luhaan ang NBA Finals MVP.

Hataw ang NBA reigning MVP na si Westbrook ng season- high 34 puntos, 10 rebounds at siyam na assists para sandigan ang Oklahoma City Thunder kontra Golden State Warriors, 108-91, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Ito ang unang panalo ng Oklahoma City sa Golden State mula nang lumipat si Durant sa Warriors matapos ang 2015- 16 season. Naipanalo ng Golden State ang apat na laro sa Thunder sa nakalipas na season sa impresibon­g average na 20 puntos na bentahe.

Bago ang laro, sinabi ni Westbrook na itinuturin niyang simpleng laro ang duwelo, ngunit taliwas ang emosyon niya sa laro. Sa isang pagkakatao­n, nagkairing­an sila ni Durant na naging sanhi para patawan sila ng double technical.

Sumaklolo kay Westbrook ang dalawang bagong All-Star teammates na sina Carmelo Anthony at Paul George na kumana ng 22 at 20 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Kumubra si Durant ng 21 puntos mula sa 8-for-17 shooting, habang umiskor si Stephen Curry ng 24 puntos sa Warriors.

CAVS 119, NETS 109 Sa Cleveland, naisalba ng Cavaliers ang matikas na ratsada ng Brooklyn Nets para mahila ang winning run sa anim.

Dikit ang laban at huling nagtabla sa 99 mula sa layup ni Joe Harris, ngunit nakabawi ang Cavs sa free throw nina Kevin Love at LeBron James para sa 102-99 iskor.

Tumapos si James na may 33 puntos mula sa 11-of-17 shooting para sa ika-11 panalo ng Cavaliers sa 18 laro.

Nag-ambag si Love ng 18 puntos, gayundin si Dwyane Wade mula sa 8-of-13 shooting.

Nanguna si Hollis Jefferson sa Nets na may 20 puntos.

KINGS 113, LAKERS 102 Sa Sacramento, California, hataw si Zach Randolph na naiskor na 22 puntos, pitong rebounds at pitong assists, habang kumana si Willie Cauley-Stein ng 26 puntos sa panalo ng Kings kontra Los Angeles Lakers.

Nag-ambag si Buddy Hield ng 10 puntos sa 15-5 run ng Sacramento, tampok ang dalawang three-pointers sa fourth period.

Nanguna si Kentavious Caldwell-Pope sa Lakers sa nakubrang 20 puntos, habang kumana sina Kyle Kuzma at Lonzo Ball ng 17 at 11 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

CLIPPERS 116, HAWKS 103 Sa Atlanta, Kumana si Blake Griffin ng triple-double – 26 puntos, 10 rebounds at 10 assists – habang umiskor si Wesley Johnson ng season-high 24 puntos para tuldukan ang losing skid ng Los Angeles Lakers sa siyam.

“The best part about tonight was just how we got the win. We were banged up. We got awful news today, but guys just focused and did the little things we needed to do to get a win,” pahayag ni Griffin.

Sa iba pang laro, naisalpak ni Tim Hardaway Jr. ang career-high 38 puntos sa 108-100 panalo ng New York Knicks sa Toronto Raptors; sinalanta ng Phoenix ang Milwaukee Bucks, 113-107.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines