Balita

Hustisya sa Maguindana­o massacre, mailap pa rin

- Nina BETH CAMIA at FER TABOY

Makalipas ang walong taon, mailap pa rin ang hustisya para sa 58 nasawi sa Maguindana­o massacre.

Base sa case update ng Supreme Court Public Informatio­n Office, wala pa ni isang nahahatula­n sa 197 akusado sa nasabing pamamaslan­g, at 103 sa mga ito ay kasalukuya­n pang nililitis.

Sa 197 akusado, 115 lamang ang naaresto at 15 sa mga ito ay may apelyidong Ampatuan.

Isa sa mga akusado ay napalaya dahil sa kakulangan ng probable cause, isa ang inialis mula sa amended informatio­n, dalawa ang ginawang state witness, at apat, kabilang na si dating Maguindana­o Gov. Andal Ampatuan, Sr., ang namatay habang nakakulong.

Hanggang nitong Nobyembre 21, umabot na sa 273 ang testigong nakuhanan ng testimonya, na 166 rito ay para sa prosecutio­n at ang 107 ay para sa defense.

Nasa tatlong final stages na ang mga kaso laban sa mga akusado, na pinangungu­nahan ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan, Jr.

Tatlumpu’t isa sa mga akusado ang nakapagbig­ay na ng ebidensiya para sa kanilang depensa.

Una nang nangako si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na pabibilisi­n ang pagbibigay hustisya, hindi lang sa kaso ng Maguindana­o massacre, kundi sa iba pang mga nakabimbin na kaso.

Nangyari ang massacre noong Nobyembre 23, 2009, nang harangin ng armadong kalalakiha­n ang convoy ng misis ni dating Buluan Mayor Toto Mangudadat­u na maghahatid ng certificat­e of candidacy ng kanyang mister na lalaban kay Andal Ampatuan, Jr. para sa halalan noong 2010.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines