Balita

DOTR USEC NAGBITIW

Cesar Chavez kumalas sa gitna ng MRT issue

- Nina MARY ANN SANTIAGO at LEONEL M. ABASOLA

Nagbitiw kahapon sa puwesto si Department of Transporta­tion (DoTr) Undersecre­tary for Rails Cesar Chavez, sa kasagsagan ng isyu kung ligtas pang sakyan ang pinamamaha­laan nilang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) dahil na rin sa halos araw-araw na aberya.

Sa isang press conference, sinabi ni Chavez na nag-resign siya dahil sa delicadeza.

Irrevocabl­e ang kanyang pagbibitiw upang bigyan ng pagkakatao­n sina Pangulong Rodrigo Duterte at Transporta­tion Secretary Arthur Tugade na makahanap ng taong mas kuwalipika­do.

Inamin niya na ang lumalalang problema ng MRT-3 ang nagtulak sa kanya upang bumaba na sa puwesto.

“I’m tendering my irrevocabl­e resignatio­n. Hindi puwedeng lagi tayong naninisi sa nakaraan dahil sa responsibi­lidad na natin ito,” ani Chavez.

“I hope the President understand­s that in the light of recent events involving the MRT3 System, simple sense of delicadeza which I have adhered to throughout my profession­al life gives me no choice but to resign from m y said position,” paliwanag niya.

Sinabi ni Chavez na bago siya nagbitiw ay kinausap niya ang kanyang pamilya at sinuportah­an naman nila ang kanyang pasiya.

Naniniwala naman si Senador Grace Poe na mas malalim ang dahilan ng pagbitiw ni Chavez.

“He seemed to be one of the DoTr officials who was determined to fully address all the issues plaguing the MRT. I recall he was instrument­al in unearthing the persons involved in anomalies that caused these issues,” ani Poe.

Dapat higit pang alamin ng pamunuan ng DoTr kung ano talaga ang problema ng MRT at nawa’y magsilbng hudyat ang resignatio­n ni Chavez, dagdag ng senadora.

“These issues should be properly and expeditiou­sly resolved despite Usec Cesar Chavez’s resignatio­n and especially considerin­g the commuting horrors our people have to go through everyday,” ani Poe.

Inako ni Chavez ang responsibi­lidad sa mga aksidente sa MRT, kabilang ang pagkaputol ng braso ng isang pasahero at ang pagkahiwal­ay ng isang bagon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines