Balita

Atom at Ivan, iniintriga ng mga kasama

PINAG-AAWAY

- Ni JIMI ESCALA

ITSINIKA

sa amin ng isang GMA insider ang unti-unting lumalaking isyu sa Kapuso news personalit­ies lalung-lalo na kina

Ivan Mayrina at Atom Araullo na dating Kapamilya.

May kanya- kanyang kakampi na raw sina Ivan at Atom sa news department ng Siyete.

Ayon sa source, may proyekto raw na dapat ay para kay Ivan na nasagasaan ni Atom.

Usap- usapan daw ang isyung ito sa “chat group” ng GMA News and Public Affairs.

Ayon sa kausap namin, halatang apektado si Ivan sa pagpasok ni Atom sa GMA news. Ito raw ang dahilan kung bakit may naiba kay Ivan na dating punong-puno ng sigla kung magbalita.

Mainit na isyung pinaguusap­an daw sa GMA news department ang sobrang lakas ni Atom sa Kapuso management. Pero in fairness, ayon pa sa source, hindi naman si Ivan ang nag-umpisa ng isyu.

“May mga kaibigan lang kasi si Ivan na binigyan ng intriga ang pagiging Kapuso talent ngayon ni Atom. Kumbaga, ‘ yung extra attention na ibinibigay ng management kay Atom, eh, dapat lang naman dahil nagbabalik-Kapuso siya,” sey ng source.

Dagdag pa ng kausap namin, pinalaki ng isang kasamahan sa news department ang pagbibiro ni Ivan na kesyo ampalaya ang almusal niya.

Nilinaw ng source na hindi nila nararamdam­an na insecure si Ivan Mayrina sa pagbabalik ni Atom Araullo, pero ito ang paintrigan­g pinalalaba­s ng mga kasamahan nila.

 ??  ??
 ??  ?? Atom at Ivan
Atom at Ivan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines