Marawi babangon bilang isa sa ‘best cities in the world’
Kailangan ng magandang master plan para maakit ang mga mamumuhunan sa Marawi City, sinabi ng prominenteng Filipino architect na si Felino “Jun” Palafox.
Ayon kay Palafox inirekomenda niya sa gobyerno na ipreserba ang ilang lugar sa Marawi na sinira ng digmaan bilang “remembrance and an urban laboratory for mistakes it made in developing a city.”
Sinabi ni Palafox na maaaring gawing inspirasyon ng urban planners ang Hiroshima sa Japan na kahit winasak ng atomic bomb noong World War II, ay patuloy na dinadagsa ng mga turista.
Ipinanukala ng architect na magtayo ng bagong sentro ng lungsod sa Marawi at pinapangarap ang mga bagong siyudad sa paligid ng magandang Lake Lanao, katulad ng Lake Geneva na nasa hangganan ng Switzerland at France, at maikukumpara sa “best cities in the world – safer, sustainable, Islamic, international, inclusive, smarter, more resilient, more environment-friendly like no overhead wires.”
“Even in Marawi, I’m so confident with planned new cities around Lanao Lake, like Lake Geneva, I think investors will come. Marawi is one of the most naturally-endowed beautiful cities in world. We can have mountain communities, lake front communities connected by cable cars,” aniya.
Personal na hiniling ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tulong ni Palafox para sa rehabilitasyon ng Marawi na winasak ng halos limang buwang digmaan ng tropa ng pamahalaan at ng Islamic State-inspired na Maute Group.
Hinikayat ni Palafox ang developers sa Metro Manila na mamuhunan sa Marawi.
“Now is the time to invest in Marawi,” aniya.