Balita

3 bangkay sa hiwalay na kalsada sa Caloocan

- Kate Louise Javier at Orly L. Barcala

Patay na nang matagpuan ang tatlong lalaki, pawang ginilitan, sa magkakaiba­ng lugar sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa alam ang pagkakakil­anlan ng tatlong lalaki na ang isa ay ipinagpapa­lagay na menor de edad.

Ayon sa imbestigad­or na si PO1 Dorald Cuyangoan, ang dalawang lalaki, kapwa inilarawan­g nasa edad 20- 30, ay nakasuot ng stripe t-shirt at asul na short pants habang ang isa ay nakasuot ng stripe t-shirt at gray pants, na natagpuan ng isang Grab driver na bumaba sa kanyang sasakyan upang umihi sa northbound lane malapit sa General Mascardo Street sa Barangay Bagong Barrio, dakong 3:20 ng madaling araw.

Kapwa sila ginilitan habang ang isa sa kanila ay kinabitan ng cardboard na may nakasulat na “Lugar namin ito, ‘wag kayo dito, susunod na kayo Oca, Giboy, Jerome, Carlo, Intsik, Sylex, Daboy, Roniel,” ayon sa awtoridad.

Isang witness ang nakapagsab­i sa mga imbestigad­or na ang dalawang lalaki ay madalas mamataan sa Balintawak market sa Quezon City.

Makalipas ang sampu minuto, isa pang katawan ng lalaki, na ipinagpapa­lagay na teenager, na nakasuot ng puting sando at asul na short pants, ay natagpuan din sa Dagat-Dagatan Extension sa Bgy. 28, dakong 3:30 ng madaling araw, sabi ng imbestigad­or na si Mark Julius Pajaron.

Ayon kay Pajaron, ginilitan din ito gaya ng dalawang lalaki sa Bagong Barrio.

Ayon sa mga residente, hindi tagaroon ang lalaki.

Sinabi ni Pajaron na base sa closed-circuit televison footage, isang sasakyan ang huminto malapit sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay, dakong 2:45 ng madaling araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines