Balita

Hindi militar ang solusyon sa rebelyon

- Ric Valmonte

SINANG- AYUNAN ni Sen. Ping Lacson ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang grupo ng terorista ang New People’s Army (NPA). Ayon kay Sen. Lacson, napapanaho­n na upang gawin ito ng Pangulo dahil ganito na ito kumilos pagkatapos mawalan ng idelohiya.

Nanununog, naninira, nananakot ng mga sibilyan at nangingiki­l sa anyo ng revolution­ary taxation. “Kilala naman natin si Pangulong Duterte, natitiyak kong magrerespo­nde ang ating security forces upang wakasan na itong halos kalahating siglong problema na ang idolohiya ay naging simpleng panunulisa­n na itinataguy­od ng nag-iistilong hukbo ng mamamayan,” sabi pa ng Senador. Eh, ang pinakadulo ng pagkakateg­oryang terorista ang NPA, ayon kay Security Analyst Chester Cabalsa, ay patahimiki­n ng Pangulo ang kanyang kritiko at masarili ang kapangyari­han. “Ang maging diktador ay ang tanging alam na pamamaraan ng Pangulo ng paggogobye­rno,” wika naman ni President Ashley Acedillo ng Institute of Policy, Strategy and Developmen­tal Studies, Inc. Pati ba ito ay inaayunan din ni Sen. Lacson?

Pero, batay sa pahayag ng Senador, ang NPA ay problemang militar, kaya militar ang solusyon. Pero, salungat ito sa kasaysayan. Nang ideklara ni dating Pangulong Marcos ang martial law upang umano’y sagipin ang Republika sa mga komunista, ginamitan niya ito ng militar sa hangaring gapihin ito. Kahit buungbuo na nasa kanyang kamay ang lahat ng kapangyari­han, siya ay nabigo. Kasi, ang problemang rebelyon ay problemang ekonomiya. Nakaugat ito sa kahirapan na nagbubunga ng kawalan ng katarungan na epektibong recruiter ng NPA. Palulubhai­n lamang ang problema kapag remedyong militar ang inilapat na lunas dito. Lalo mahihirapa­n ang mamamayan dahil maisasama sila sa mga mapapaslan­g, masisira ang kanilang bayan at malalabag ang kanilang karapatang pantao tulad ng nangyari sa Marawi.

Huwag tayong magpalinla­ng sa ating paniniwala na ang NPA ay grupo na lang ng mga tulisan na walang nang ipinaglala­bang simulain. Ang isa sa mga pinagsusus­petsahang tatlong mataas na lider ng NPA na napatay kamakailan sa engkuwentr­o sa Cuartero, Capiz ay ang tinagurian nilang “crush ng bayan” na si Remy Beraye. Naging vice chairman ng student council ng Western Visayas...

State University, pangulo ng League of Filipino Students, Iloilo Chapter, at opisyal ng Sanggunian­g Kabataan. “Kaming lubusang nakakakila­la sa kanya, masasabi naming hindi siya extortioni­st o kayang gawin ang ibinibinta­ng sa kanya at ipagdiwang pa ang kanyang kamatayan. Ginagawa niya ang kanyang sinasabi sa pagtulong sa mga biktima ng kawalan ng katarungan. Siya ay isang ideal student leader at kami ay hindi nagulat na ito ang pinili niyang uri ng buhay,” wika ng kanyang mga kaklase.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines