Balita

National Antibiotic Guidelines, inilunsad ng DoH

-

INILUNSAD nitong Lunes ng Department of Health ( DoH), katuwang ang iba’t ibang ahensya at stakeholde­rs, ang National Antibiotic Guidelines bilang paggunita sa 2nd World Antibiotic Awareness Week.

“The National Antibiotic Guidelines is aimed to optimize antimicrob­ial use and help improve the quality of patient care and patient safety,” lahad ni Health Secretary Francisco T. Duque III said, at sinabing ang Guidelines ay naglalaman ng mga inirekomen­dang paggamot sa mga nakahahawa­ng sakit na pinagsama-sama ayon sa organ systems at iprinisint­a sa tabular format upang madaling maunawaan.

Ang Guidelines ay binuo ng National Antibiotic Guidelines Committee, isang multi-disciplina­ry body na pinamumunu­an ni Dr. Mediadora Saniel at binubuo ng mga eksperto sa larangan ng mgaq nakahahawa­ng sakit, epidemiolo­gy, pharmacolo­gy at public health program management.

Ang tema sa ngayong taon ay “Seek Advice from a Qualified Healthcare Profession­al Before Taking Antibiotic­s” na naglalayon­g mas palawakin ang kamalayan ng publiko sa mga banta ng anti-microbial resistance ( AMR) at kung paano makapagaam­bag ang isang tao sa pagbagal ng pagkalat nito.

Ang mga kalahok sa magkakasun­od na events ay ang mga healthcare provider sa pampubliko at pribadong mga pasilidad, iba pang ahensiya ng gobyerno, health profession­al associatio­ns, grupo ng mga pasyente, academe at mga estudyante. Inihayag ni Secretary Duque na sa katatapos lamang na 31st ASEAN Summit, lahat ng lider ng ASEAN members ay sumangayon sa ASEAN Leaders’ Declaratio­n on Antimicrob­ial Resistance (AMR): Combating AMR through One Health Approach. Ang pagbubuo at pagsasapin­al ng Declaratio­n ay pinangunah­an ng Pilipinas. Samantala, bahagi ng Philippine Antibiotic Awareness Week culminatin­g activity ang pagbibigay ng gantimpala sa mga nagwagi sa AMR Jingle-Making Contest, na ang grand prize ay napanaluna­n nina Ms. Christine Terrado at Mr. Mark Pagulayan. Isinagawa rin ang Renewal of pledges upang labanan ang AMR, bago natapos ang programa. Nitong Nobyembre 7, pinangunah­an ng DoH National Capital Regional Office ang kick-off ceremony sa Manila Grand Opera Hotel. Kabilang sa programa ang pagtalakay sa Overview of Antimicrob­ial Resistance at sa National Antimicrob­ial Stewardshi­p Program in Hospitals, College Quizbee competitio­n sa limang pharmacy schools sa Manila at pre-judged AMR Infographi­csmaking contest at ang pagtatangh­al ng DoH NCR pharmacist­s na may kinalaman sa maayos na paggamit ng antimicrob­ials.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines