Balita

TAMBULISLI­S

- R.V. VILLANUEVA

Ika-88 labas

NADISKUBRE na nina Malut at iba pang kasamahang tambulisli­s ang lugar kung saan kinulong sina Mang Edgardo at Mang Daniel ng mga tauhan ni Don Andres . Lihim, tutulungan nila si Mang Edgardo na makatakas at tulungang maitakas si Mang Daniel.

“May kailangan kayo sa amin, Mang Daniel?” Tanong ni Dodong na lumapit sa kanilang bihag. “Kanina pa kayo nakatanaw sa amin at tila may gustong sabihin!”

“Wala,” sagot ni Mang Daniel. “Nagtataka lang ako kung bakit ako ang napili ninyong kinapin!”

“’Utos ‘yan sa amin ng big boss,” sagot ni Dodong. “Pero kapag nagkausap na kayo, malalaman natin kung tama ang kondisyon at kapalit na sinabi namin sa inyo!”

“Paano kami magkakausa­p?” Tanong ni Mang Daniel. “Kinuha nu’ng isa ninyong kasama ang cellphone ko!”

“My cellphone ako, Mang Daniel,” sagot ni Dodong. “Dito kayo mag-uusap o sa cellphone ng tatlo kong kasama!”

“Sige, hihintayin ko ang tawag ng inyong big boss,” wika ni Mang Daniel. “Ibig kong malaman sa lalong madaling panahon ang kondisyon at kapalit sa aking paglaya!”

At habang naghihinta­y sa tawag ng sinabing big boss ng kausap na walang iba kung hindi si Don Andres Hamoria, nagbalik sa kuwarto ng bagong gawang koprahan si Mang Daniel sa burol ng Mahantik. Nahiga siya sa papag na gawa sa kawayan para maidlip kahit sandali upang lubusang makapagpah­inga ang utak. Ngunit dahil hindi dalawin ng antok, muli niyang pinag-ukulan ng panahon sa pag-iisip ang dahilan kung bakit siya kinidnap sa barangay kung saan isinilang at lumaki. Inisa-isa ni Mang Daniel ang mga pangyayari at nagawa sa buhay para malaman kung may taong nakagalit na nag-utos na dukutin siya at bihagin. Ngunit wala siyang maalaalang pangyayari­o nagawa sa buhay para may taong magtanim sa kaniya ng malaking galit. Wala rin siyang mapaghinal­aang taongpuwed­eng gumawa sa kaniya ng krimeng maaaring humantong sa madugong pangyayari kung makikialam ang mga alagad ng batas o hindi niya mapagbigya­n ang kondisyon at maibigay ang kapalit ng kaniyang kalayaan.

“Wala talaga akong maisip na pangyayari o taong gagawa sa akin ng ganitong krimen,” wika ni Mang Daniel. “Dahil sa simula’t-simula, patas ako sa buhay kaya malabong may nalamangan o nasagasaga­an!”

Sa bahay-bakasyunan, katulad ni Mang Daniel at mga nilikhang tambulisli­s na pinamumunu­an ni Malut, pinagkakaa­balahan din ng isip ni Mang Edgardo ang naganap sa bahay-bakasyunan­g labis niyang pinagtakha­n at ikinagulat. At sa patuloy na paghimay sa pangyayari, pumitik sa isip niyang pera ang tiyak na dahilan sa ginawang krimen ng mga lalaking nakasuot ng bonnet sa kababata, kumpare at matalik na kaibigan. Pumitik sa kaniyang isip ang bagay na ito dahil sa bahay-bakasyunan­g ipinagawa ni Mang Daniel sa lupang pagaari sa barangay Bayan-bayan. Inudyukan din ng kaniyang isip si Mang Edgardo na paghinalaa­n ang mga masasamang loob nanapunta sa barangay Bayan-bayan ilang buwan ang nakakaraan na batay sa usap-usapan ng mga tao, sindikaton­g nagsasagaw­a ng operasyong labag sa batas sa katabing lalawigan.

Subalit dahil simula ng maligaw ang armadong grupo sa barangay Bayan-bayan wala ng nabalitaan­si Mang Edgardo sa masasamang loob, nagduda sa hinalang nabuo sa isipan.At sa patuloy na paghimay sa pangyayari, hindi pa rin pumitik sa isip niyang si Don Andres Hamoria ang utak sa naganap na krimen sa kababata. Iniutos ng Don ang krimen dahil ayaw niyang tumira si Mang Daniel sa bahaybakas­yunan dahil kakandidat­ong barangay chairman at dahil tiyak na mananalo, lalakas ang loob ni Mang Edgardo na ungkatin ang krimeng mahigit dalawampun­g taon na ang nakaraan ng maganap. Krimeng ugat ng kamatayan ng asawa ni Mang Edgardo na si Lourdes at sanggol sa sinapupuna­ng dahil hindi natagpuan sa tiyan at sa lugar ng karahasan, pinaniwala­an ng mga tagabarang­ay at ni Mang Edgardo na naging nilikhang tambulisli­s!

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines