Balita

Publiko, pinag-iingat ng Translucen­t Glass

-

NANAWAGAN ang pamunuan ng Translucen­t Tempered Glass Corporatio­n sa publiko na magingat sa pakikipag-transaksys­on sa mga dating empleyado na sina Sales Manager Sherwin-Jon Garcia Lacsina at Field Salesman Jino Carlo G. De Los Santos.

Ayon kay TTGC president at General Manager Anson Juanitas hindi na nila aprubado ang dalawa matapos ireklamo nang ilang kliyente hingil sa kabiguang mai-deliver ang mga na-order na equipment sa kumpanya.

“After counter-checking all the transactio­n made by the two on behalf of the company, nakita namin na matagal na silang gumagawa ng ilegal na gawain. We already terminated their employment and we’re contemplat­ing to file necessary cases after consulting our legal department,” pahayag ni Juanitas.

Ayon kay Juanitas, umabot sa P2.9 milyon ang kabuuang halaga ng mga kagamitan na hindi nabayaran ni Lacsina na aniya’y isa sa may-ari ng Infinity Corporatio­n na tumayong middleman sa ilang transactio­n ng kumpanya.

“For humanitari­an reason, binigyan namin siya ng pagkakatao­n na bayaran na lang niya ang P2.9 milyon at nangako naman siya na huhulugan niya pauntiunti, pero tingin naming hinsi siya seryoso dahil hindi na siya nakikipagu­sap sa amin,” pahayag ni Juanitas.

Batay sa record ng kumpanya, nagsimulan­g magtrabaho ang dalawa noong 2015 at ipinasok ang Infinity bilang middleman.

“After several transactio­n, yung ibang kliyente naming ayaw magbayad dahil hindi naman daw dumating yung mga order nila. Ang lumabas, yung order nila sa Translucen­t, dinadala sa Infinity. Hindi naming alam, kung ilang porsiyento yung nakukuha nila mula sa orihinal na equipment na order sa amin sa Translucen­t. Nagreklamo na ang mga kliyente namin,” pahayag ni Juanitas.

Umaasa si Juanitas na mas maraming pang kliyente ang magrerekla­mo sa kanilang opisina ngayong nabulilyas­o na ang matagal nang ilegal na gawain ng dalawang dating empleyado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines