Balita

Dennison, pang-PBA na

- Marivic Awitan

HIRAP ilarawan ng kanyang apat na puntos na produksiyo­n sa huling laro niya para sa Far Eastern University ang matinding paghahanga­d ni Ron Dennison na gabayan ang FEU Tamaraws sa krusyal na laban sa Ateneo.

Ngunit, mula sa isang malaking katanungan kung aabot sila sa Final Four hanggang sa muntik ng pag-upset nila sa eliminatio­n topnotcher Ateneo para sa huling finals berth, malaking bahagi sa inabot ng Tams ang Cebuano guard.

Maraming pumuna at bumatikos makaraang masangkot sa pretty season fracas nila ng De La Salle sa isang torneo sa Davao, para kay Racela si Dennison ang malinaw na patunay sa naging malaking improvemen­t at pag-angat ng laro ng Tamaraws sa kabila ng pagkawala ng kanilang mga key players na sina Mike Tolomia, Reymar Jose, Russel Escoto at RR Pogoy.

“He has a bright future ahead of him, like I said, a very good role player. Marami[ng teams] mag-iinterest dito kay Ron,” ani Racela.

Hindi lamang ang kanyang team ang nakapuna at nagbigay ng kaukulang pagkilala kay Dennison.

Sa pagtatapos ng laban nila ng Blue Eagles, nilapitan siya ni Ateneo coach Tab Baldwin at pinuri.

“Sinabi niya sa akin na I have a bright future daw. Sobrang ganda daw ng season ko this year,” ani Dennison.

Para naman kay Racela, ipinagmama­laki nya ang ipinakitan­g effort ng Tamaraws sa pagtatapos ng kanilang season.

“We were one stop away from making it to the finals. But still, the loss doesn’t define us. I’m still proud of the way we grew this season.”

 ?? RIO DELUVIO ?? AGAWAN sa bola hanggang sa mapaupo sina Ron Dennison ng Far Eastern University at Vince Tolentino ng Ateneo sa isang tagpo ng mainit na duwelo sa UAAP Season 80 ‘winner-take-all’ semifinals nitong Miyerkules sa MOA Arena. Nagwagi ang Blue Eagles sa...
RIO DELUVIO AGAWAN sa bola hanggang sa mapaupo sina Ron Dennison ng Far Eastern University at Vince Tolentino ng Ateneo sa isang tagpo ng mainit na duwelo sa UAAP Season 80 ‘winner-take-all’ semifinals nitong Miyerkules sa MOA Arena. Nagwagi ang Blue Eagles sa...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines