Balita

Alden, ligtas na sa food poisoning

- Ni NORA CALDERON

NAKALABAS na ng hospital si Alden Richards kahapon at ligtas na sa food poisoning, pero hindi pa rin niya alam kung ano ang nakain niya last Sunday sa iba’t ibang events na pinuntahan niya. Nag- report pa siya sa

Eat Bulaga last Monday sa Broadway studio. Nasa pacontest siya ng Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies kasama sina Ruby Rodriguez, Pia

Guanio at Allan K nang mapansin na wala na si Alden pagkaraang makita na tila nagpaalam kay Ruby.

May nagpadala ng video sa amin na nag-wave pa si Alden sa fans nang lumabas ng studio at sumakay sa kanyang car. Then may balita nang nagtuloy siya sa hospital.

Si Ruby ang nag- text ng: “For everyone asking bakit biglang nagpaalam si @aldenricha­rds02 kanina sa Trip, he was na-food poison and had to go for check-up. Pasensiya po, tao lang ;di kinaya ang sakit ng tiyan.”

Saka kami nakatangga­p ng balita na nagpasundo si Alden sa daddy niya pumasok nga ng hospital. Kinagabiha­n, si Daddy Bae naman ang nag-text ng, “Sa lahat po ng nagtatanon­g... okay naman po si Alden. Maraming salamat po.”

Naalaala namin ang kuwento ni Daddy Bae, na simula pagkabata ay maganang kumain si Alden. Kahit daw noong bago pa lamang itong nagaartist­a, hinahayaan niya itong kumain ng anumang magustuhan. Pero dahil wala pa naman itong masyadong kinikita that time, kapag kulang ang inorder nito ay ibinibigay na niya ang para sa kanya.

Kahit daw ngayon, kapag kumakain silang mag-aama, laging double ang order ni Alden at binabawi na lang sa gym kapag napaparami ang kain. Kaya maging sa sugod-bahay sa mga barangay, makikita silang kumakain ng street foods nina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballestero­s, na lalong nagpapalap­it sa kanila sa masa.

Dapat kahapon ay may taping si Alden ng Dear Uge, pero na-postpone dahil nga naka- confine pa siya sa hospital. Baka this Thursday, matuloy na ang taping, kung puwede nang magtrabaho si Alden.

 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines