Balita

DoJ mag-iimbestiga vs dengue vaccine

- Rey G. Panaligan, Argyll Cyrus B. Geducos, at Mary Ann Santiago

Sinabi kahapon ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na paiimbesti­gahan niya ang pagbili ng P3.5-bilyon halaga ng dengue vaccine na Dengvaxia na iniulat na posibleng magdulot ng matinding sakit sa mga binakunaha­n na hindi pa dinapuan ng nasabing karamdaman.

Sinabi ni Aguirre na aatasan niya ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) na magsagawa ng fact-finding probe upang alamin ang pananaguta­n ng mga opisyal sa likod ng dengue vaccine project na inaprubaha­n ng nakaraang administra­syon.

“I will prepare immediatel­y the appropriat­e department order. Everybody who has some involvemen­t will be included and appropriat­e charges will be filed against them if warranted,” aniya sa text message.

Nakasaad sa mga ulat na ang imported vaccine ay ginamit sa mahigit 733,000 estudyante, edad siyam pataas, sa National Capital Region, Region III, at Region IV-A, mga lugar na iniulat na delikado sa dengue.

Sinabi ni Aguirre na nakatangga­p na rin siya ng reklamo mula sa mga magulang ng tinurukan ng Dengvaxia vaccine.

“One complained to me that his son who was inoculated of that anti-dengue vaccine in April 2016 is now sick of ‘baby tb’ and his immune system is now very weak and has become a financial burden to them,” ani Aguirre.

Sa inisyal na ulat na tinanggap ng DoJ, ang dengue vaccinatio­n program ay inaprubaha­n ng nakaraang administra­syon sa kabila ng pagtutol mula sa medical experts dahil sa kakulangan sa certificat­ion mula sa World Health Organizati­on (WHO).

Iniulat din na binalaan ang DoH tungkol sa posibleng epekto ng unang dengue vaccine sa mga hindi pa nagkaka-dengue, ngunit inaprubaha­n pa rin ang programa.

PANANAGUTI­N Siniguro ng Malacañang sa publiko na pananaguti­n ang mga responsabl­e sa tinagurian nitong “shameless public health scam”.

“We will leave no stone unturned in making those responsibl­e for this shameless public health scam which puts hundreds of thousands of young lives at risk accountabl­e,” saad sa pahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque. HANDA SA ‘WORST-CASE

SCENARIO’ Tiniyak naman kahapon ng DoH na handa sila sa “worst-case scenario” kaugnay ng babala na maaaring magdulot ng matinding epekto ang Dengvaxia.

Ayon kay Health spokesman at Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, bago pa man sila magpasyang gamitin ang Dengvaxia ay nakapagsag­awa na sila ng safety measures.

Siniguro rin niya na inaantabay­anan ng kagawaran ang anumang posibleng hindi magandang epekto ng bakuna sa mga batang naturukan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines