Balita

Derek, sanay nang maging second choice

KASAMA ANG PRETTY GF SA PRESSCON

- Ni NITZ MIRALLES

KASAMA ni Derek Ramsay ang girlfriend na si Joanne Villablanc­a sa presscon ng All of You, pero hindi na ito sumama nang humarap sina Derek, Jennylyn Mercado at Direk Dan Villegas sa press people.

Hanggang pre-presscon lang si Joanne, kasama noong kumain ang mga bida ng MMFF entry ng Quantum Films, MJM Production­s, Globe Studios at Planet Media Production.

Hindi isyu kay Jennylyn na kasama ni Derek ang GF at mukhang hindi rin ‘yun ang first time na pagsasama ng aktor sa nobya. Baka nga hanggang sa mall shows sa Market! Market! kasama rin si Joanne, pero hanggang kotse lang siya. Pero tiyak na may ingay ‘ pag si

Dennis Trillo ang sumama sa presscon ng All of You at gagawan ng isyu. Mabuti na lang at non-showbiz si Joanne na ang ganda-ganda at sabi ni Derek, pinaka- strong relationsh­ip niya. Anway, ang lakas ng laban ng All of You sa takilya dahil sa lahat ng MMFF entry, ito lang ang may temang mature love story na ang tina-tackle ay online dating at marriage. ’Yung gusto na ng isa sa magkasinta­han na magpakasal, pero ayaw naman ng isa pa. Ang daming couple na makaka-relate sa story nina Gab at Gabby at tiyak na kabilang sila sa mga pipila sa showing ng movie starting December 25.

Hindi isyu kay Derek na second choice siya sa role ni Gab, “This is not the first time na may movie ako and I’m not the original choice for the leading man role. Sa English Only, Please hindi rin ako ang first choice and it doesn’t matter. Lahat ng movie ko, hindi ako first choice. Sa movie lang namin ni Bea Alonzo (sa Star Cinema) ako ang original choice,” sabi ni Derek.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines