Balita

AFP sa NPA: Sumuko na lang kayo, or else…

- Francis T. Wakefield

Nanawagan kahapon ang Armed Forces of the Philippine­s (AFP) sa New People’s Army (NPA) na sumuko na lang kung ayaw nilang magaya sa kanilang mga kasamahang napatay sa pinaigting na operasyon ng militar.

Inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo na habang umaasa silang mas maraming miyembro ng NPA ang susuko sa mga susunod na araw, ipagpapatu­loy ng mga sundalo ang kanilang mga operasyon laban sa mga rebelde, na nananatili­ng aktibo sa mararahas nitong aktibidad laban sa pulisya at militar, sa publiko, at sa komunidad.

Sinabi ni Arevalo nitong Martes, na napatay ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force at ng Nasugbu Municipal Police ang 15 miyembro ng NPA.

Kabilang sa mga napatay ay secretary ng NPA Guerilla Unit 3 at isang platoon leader. Dalawa sa mga sundalo ang nasugatan sa engkuwentr­o, kasabay ng pagkakarek­ober sa 12 matataas na kalibre ng armas.

Limang sundalo ang nasugatan sa bakbakan, pero maayos na ngayon ang lagay.

Naging matagumpay ang pinakabago­ng operasyon ng militar ilang araw makaraang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Presidenti­al Proclamati­on No. 360, na nagkakanse­la sa peace talks ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippine­s- National Democratic Front (CPP-NDF)-NPA.

“Prior to the President’s proclamati­on, we have been actively conducting counterins­urgency operations against the NPA since the peace negotiatio­ns broke down in February 4,” ani Arevalo.

Nitong Nobyembre lamang ay aabot sa 119 na rebelde ang naneutrali­ze ng AFP, 21 ang napatay sa operasyon, 29 ang inaresto, at 69 ang boluntaryo­ng sumuko. Nakakumpis­ka rin ang tropa ng gobyerno ng 62 high-powered at low-powered firearms mula sa mga rebelde noong nakaraang buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines