Balita

Dagdag Balita

120 LRVs para sa LRT-1 extension

- Mary Ann Santiago

Bibili ang Department of Transporta­tion (DOTr) ng 120 Light Rail Vehicles (LRVs) para sa 12-kilometron­g south extension project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite.

Lumagda na sa kasunduan sina Transporta­tion Secretary Arthur Tugade at Mitsubishi Corp. Senior Vice President Tetsuji. Sinaksihan ito nina Ambassador of Spain Luis Calvo Castano, mga kinatawan mula sa Embassy of Japan, Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA), Light Rail Manila Corporatio­n, at matataas na opisyal ng DOTr.

Ang 120 LRVs ay idinisenyo na may four-LRV configurat­ion at bawat train set ay may kapasidad na 1,388 pasahero, energy efficient at low maintenanc­e.

Target ng DOTr na mai-deliver sa bansa ang unang apat na LRVs sa Agosto 31, 2020, at ang 40 nalalabing LRVs sa Disyembre 31, 2020. Inaasahang makukumple­to ng Mitsubishi Corp. ang delivery ng 120 LRVs sa Disyembre 31, 2021.

Nasa final design stage at pre-constructi­on activities na ang LRT-1 Cavite Extension Project. Nakatakdan­g sisimulan ang konstruksi­yon sa 2018, at inaasahang makukumple­to bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Unang inaprubaha­n ng NEDA-ICC ang proyekto noong 2000 bilang unsolicite­d proposal, at kalaunan ng NEDA Board noong 2012 at 2013, bilang combined Public Private Partnershi­p (PPP) at Official Developmen­t Assistance (ODA) project.

Nabigo ang unang bidding para sa 120 LRVs mula Oktubre 2015 hanggang Pebrero 2016 na lalong nagpaantal­a sa proyekto. Nang maupo sa posisyon si Tugade, ipinursige niyang matuloy na ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines