Balita

Nagsisimul­a na ang debate sa gobyernong federal

-

SAnakalipa­s na mga buwan ay naging mainit sa bansa ang mga talakayan tungkol sa iba’t ibang programa at operasyon ng gobyerno, partikular ang kampanya kontra droga at ang mga alegasyon ng paglabag sa mga karapatang pantao sa pagpapatup­ad nito.

Nagkaroon ng digmaan sa Marawi City na tumagal nang limang buwan makaraang tangkain ng mga teroristan­g Maute, na may alyansa sa Islamic State (IS), ang isang IS regional caliphate sa ating bansa. Sinikap nating magkaroon na ng pangmataga­lang kapayapaan sa New People’s Army (NPA) at sa Communist Party of the Philippine­s (CPP), subalit kinansela na ang mga negosasyon matapos na igiit ng mga Komunista ang “coalition government.”

Bumida ng isang bagong imahen ang Pilipinas sa mundo, isang may mas nagsasaril­ing polisiyang panlabas na nagbunsod ng mas malapit nating ugnayan ngayon sa China at Russia, habang pinananati­ling matatag ang ugnayan sa Amerika. Sa larangan ng lokal na ekonomiya, tatapusin natin ang 2017 nang may nakamamang­hang 6.9 na porsiyento­ng pagsulong sa Gross Domestic Product (GDP), ang ikalawang pinakamata­as sa Asya. At sinisimula­n na natin ang malawakang programang pang-imprastruk­tura na higit pang magpapaala­gwa sa ating GDP at, higit sa lahat, magkakaloo­b ng trabaho na magpapabut­i sa kalagayan sa buhay ng ating mamamayan.

Hinaharap naman natin ngayon ang isang usapin na maaaring magdulot ng pagkakawat­akwatak sa ating bansa—ang pagtatatag ng isang federal na sistema ng pamahalaan sa pamamagita­n ng pag-amyenda sa Konstitusy­on. Kahit noong nangangamp­anya pa lamang, inihayag na ito ni Pangulong Duterte bilang pangunahin­g programa ng kanyang administra­syon. Nais niyang maging pantay-pantay ang kaunlaran sa lahat ng panig ng bansa at naniniwala siyang epektibong maisasakat­uparan ito kung magkakaisa ang mga higit na nagsasaril­ing rehiyon sa isang federal na sistema ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati noong nakaraang linggo, inilahad ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. sa harap ng nangagtipo­ng negosyante sa Makati City, ang mga pangunahin­g punto laban sa pederalism­o. Pagwawatak-watakin nito ang mamamayan at magbubunso­d ng dobleng katapatan — sa estadong pangrehiyo­n at sa pambansang gobyerno — aniya. Magreresul­ta ito sa teribleng burukrasya­ng federal sa ilang sangay ng pamahalaan, at malalagay sa alanganin ang pondo at kita ng gobyerno. At dalawa lamang ito sa 18 dahilan na ipinunto niya.

Maaari nating idagdag na ang mga bansa ngayon ay may federal na sistema ng pamahalaan, gaya ng Switzerlan­d, Germany, at Amerika, ay orihinal na magkakahiw­alay at nagsasaril­ing mga estado na nagpasyang maging isa sa isang estadong federal para higit na maging malakas bilang isang bansa. Sa Pilipinas, posibleng kabaligtar­an ang mangyari sa atin — mula sa pagiging matatag at nagkakaisa­ng bansa ay magkakaroo­n tayo ng magkakahiw­alay na rehiyon, na ang ilan ay posibleng walang sapat na kakayahan upang magsarili.

Ito ay simula pa lang marahil ng isang matinding debate sa bansa. Ang panawagan ni Pangulong Duterte para sa federal na uri ng gobyerno ay may kaugnayan sa kagustuhan niyang maiwasto ang tinatawag niyang “historical injustice” sa mamamayang Moro ng Mindanao. Maaari itong maisakatup­aran ng Bangsamoro Basic Law na iginiit niyang pagtibayin ng Kongreso. Subalit isusulong ng Pangulo ang mas ganap na awtonomiya­ng pangrehiyo­n sa pagkakaroo­n ng federal na sistema ng pamahalaan sa ilalim ng isang bagong Konstitusy­on.

Nagsimula na ang debate sa bansa. Sa pakikibaha­gi ng pawang tapat, matalino, makabayan, at nagmamalas­akit na mamamayan at kanilang mga opisyal, at mahalagang magkasundo-sundo tayo sa pinakapang­unahing usapin na ito na tiyak na labis na makaaapekt­o sa ating bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines