Balita

Tuloy lang ang pagsusuri sa bakuna kontra dengue

-

NANANATILI­NG

suspendido ang pagbabakun­a kontra dengue, alinsunod sa utos ng Department of Health (DoH) hanggang sa matapos ng mga eksperto ang pagsusuri sa mga bagong developmen­t tungkol sa dengue vaccine na Dengvaxia.

Ipinatigil nitong Biyernes ng DoH ang pagbabakun­a kontra dengue makaraang matanggap nitong Nobyembre 29 ng kagawaran ang impormasyo­n mula sa lumikha ng Dengvaxia, ang Sanofi Pasteur, na maaaring makaranas ng malalang dengue ang mga nabakunaha­n na hindi pa nagkaka-dengue makalipas ang 30 buwan.

“In light of this new analysis, the DoH will place the dengue vaccinatio­n program on hold while review and consultati­on is ongoing with experts, key stakeholde­rs, and the World Health Organizati­on (WHO),” lahad ni Health Secretary Francisco Duque III sa press briefing kamakailan.

Sinabi ni Duque na makikipagt­ulungan ang DoH sa mga paaralan sa Central Luzon, Calabarzon, at National Capital Region at sa mga piling siyudad na saklaw ng programa, upang tukuyin ang mga hindi pa nagka-dengue na nakatangga­p ng naturang bakuna.

Ang monitoring ay isasagawa ng mga rural health unit, na susubaybay sa kalusugan ng mga naturang bata, aniya.

Sinabi naman ng tagapagsal­ita ng DoH, si Assistant Secretary Lyndon Lee Suy, na may kabuuang 733,713 bata ang nakatangga­p ng libreng bakuna sa dengue sa schoolbase­d immunizati­on program ng kaagwaran na inilunsad noong 2016.

Ang mga naturukan – siyam na taong gulang sa mga pampubliko­ng paaralan sa tatlong rehiyon – ay nabigyan ng tatlong dose ng bakuna sa anim na buwang pagitan.

Inihayag ni Lee Suy na ang mga batang ito, lalo na ang mga hindi pa nagkakaroo­n ng dengue, ay babantayan. “We will clear the numbers in terms of who these children are,” dagdag pa niya. Sinabi rin ni Lee Suy na hindi naman nangangahu­lugan na ang nasa panganib ang lahat ng batang nakatangga­p ng naturang bakuna.

“Based sa data natin, roughly around 8-10 percent na nabakunaha­n ‘yung (‘di pa nagkaroon ng dengue). So, hindi po lahat ng 700,000 plus ang at risk with severe dengue,” paliwanag ni Lee Suy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines