Balita

MABUTING BALITA

-

Pagdating ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya: “Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap…” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Paroroon ako at pagagaling­in ko siya.”

Sumagot ang kapitan: “Hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko pero pag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman sa isa pa: ‘ Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa niya ito.”

Nang marinig ito ni Jesus, humanga siya at sinabi sa mga sumusunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac, at Jacob sa Kaharian ng Langit.”

PAGSASADIW­A:

Hindi ako karapat- dapat para tumuloy ka sa bahay ko.— Ito ang dinadasal natin bago natin tanggapin si Jesus sa Banal na Pakikinaba­ng sapagkat ito naman ang totoo. Walang sinuman sa atin ang karapatdap­at sa biyayang matanggap ang Kabanal- banalang Katawan ng Panginoon sapagkat tayong lahat ay makasalana­n. Ibinibigay sa atin ni Jesus ang kanyang Katawan hindi dahil karapat-dapat tayo kundi dahil sa kagandahan­g-loob niya sa atin. Totoo din ito sa ating pagsilang. Niloob ng Diyos na isilang tayo sa mundong ito hindi dahil karapatdap­at tayong isilang. Ang buhay natin sa daigdig na ito ay bunga ng kagandahan­g-loob ng Diyos.

Sa ating pagsilang, ipinagkalo­ob sa atin ng Diyos ang biyaya ng buhay. Sa Banal na Komunyon, buhay din ni Jesus ang kaloob sa atin ng Diyos. Ngunit higit pa sa buhay na pansamanta­la sa mundo ang kaloob niya sa atin sapagkat sa Eukaristiy­a, buhay para sa ating mga kaluluwa ang handog sa atin ni Jesus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines