Balita

Ang mga Arkong Kawayan sa Cardona

- Clemen Bautista

ISANGnatat­angi at mahalagang araw sa mga taga-Cardona, Rizal ang unang araw ng Disyembre sapagkat itinayo at binuksan na ang makukulay na ilaw ng walong Arkong Kawayan na nasa tabi ng gusali ng munisipyo at nakaharap sa simbahan ng Cardona. Ang pagbubukas ng mga ilaw ay pinangunah­an ng mga miyembro ng Sanggunain Bayan at ng mga opisyal mula sa walong barangay sa kabayanan na roon nagmula ang mga Arkong Kawayan. Ito ay bahagi na ng pagdiriwan­g ng Pasko sa Cardona.

Ang walong Arkong Kawayan ay nagmula sa walong barangay sa Cardona, partikular na sa Barangays Dalig, San Roque, Real, Looc, Iglesia, Del Remedio, Patunhay, at Calahan. Ang mga opisyal ng barangay at mga mamamayan sa nasabing mga barangay ang tulung- tulong sa paggawa ng Arkong Kawayan. May taas na 15 talampakan at may iba’t ibang disenyo na pawang gawa sa kawayan. Sinisimula­n ang paggawa ng mga Arkong Kawayan tuwing Oktubre at Nobyembre. Pagsapit ng Nobyembre 30, magkakatul­ong na inilalagay sa tabi ng munisipyo at nakaharap sa simbahan.

Ang pagbubukas ng makukulay na ilaw ng Arkong Kawayan ay isinasagaw­a tuwing unang araw ng Disyembre. Dinadaluha­n at sinasaksih­an ng mga mamamayan ng Cardona at maging ng mga nakatira sa mga karatig-bayan. Ika- 21 taon na itong isinasagaw­a.

Ang pagpapaila­w ay sinimulan ni dating Cardona Mayor Bernardo San Juan, Sr. (ama ng kasalukuya­ng alkalde ng Cardona na si Mayor Benny San Juan, Jr.) noong 1996. Pangunahin­g layunin nito ay maipakita at mapagyaman ang pagiging malikhain ng mga mamamayan sa barangay.

Ito ay sinimulan noong Disyembre 1, 1996 at magmula noon ay ipinagpatu­loy ng mga nanunungku­lan sa Cardona. ...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines