Balita

Mapaminsal­a sa taumbayan ang kanilang gobyerno

- Ric Valmonte

PANSAMANTA­LANGipinat­igil ng Department of Health (DoH) ang dengue vaccinatio­n program matapos sabihin ng Sanofi Pasteur na may mas malubha itong epekto sa mga hindi pa nagkaka-dengue. Ang Sanofi Pasteur ay French pharmaceut­ical na gumawa ng bakuna na tinawag na “Denguevaxi­a”.

Ayon dito, sa bagong pag-aaral, mabibenepi­syuhan lamang ng medisina ay ang mga taong nagkaroon na ng dengue. “Pero sa mga hindi pa, kapag nagtagal, mga mas malubhang sakit ang mararanasa­n ng mga tao sa susunod na maturukan na sila nito kapag nagkasakit na ng dengue,” dagdag nito.

Mahigit 700,000 na ang nabakunaha­n sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon. Ang problema, hindi ngayon alam ng DoH ang kanilang medical status. Sabi ni Anthony Leachon, miyembro ng DoH expert panel sa dengue na binuo ni DoH Sec. Francisco III, pumalit kay Paulyn Jean Ubial, mahigpit nilang babantayan ang mga ito. Ang ilan sa mga ito, aniya, ay maaaring makaranas ng grabeng dengue. Lahat sila ay mabubuhay sa posibilida­d na ito. Nagalit ang mga magulang ng mga batang naturukan ng “Denguevaxi­a” nang makarating sa kanila ang balitang ito.

Noong Oktubre 2016, nagbanta si Sen. Richard Gordon na paiimbesti­gahan ang agarang paggamit sa nasabing bakuna kahit hindi tiyak ang epekto nito. Napakalaki­ng bagay kung natuloy ang imbestigas­yon. Mabubusisi ang depekto ng medisina at maipababat­id sa mamamayan ang panganib nito. Naalerto sana ang mga ginamitan na ng gamot at sila mismo o ang kanilang mga kamag-anak ay nakagawa agad ng hakbang upang mabantayan sila ng DoH.

Sa ngayon, tulad ng inamin ni Leachon, hindi alam ng DoH ang kalagayan ng kanilang kalusugan. O kaya, kung naimbestig­ahan ang padalus-dalos na pagbakuna, hindi na sana dumami ang sumailalim dito dahil nalaman nila ang panganib nito.

Ito ang problema ng taumbayan sa mga taong nagpapatak­bo ng gobyerno. Kapag nagbunggua­n ang interes ng nga dambuhalan­g kampanya at ng mamamayan, gagamitin nila ang gobyerno laban sa kanila. Ang gumawa ng gamot kontra dengue ay ang Sanofi Pasteur na isang higanteng kumpanya ng France.

Sa P3.5 bilyon halaga ng gamot, ang nabayaran na ng ating gobyerno ay P3 bilyon. Kaya, ginastos pa ng mga taong gobyerno ang salapi ng mamamayan sa ikapipinsa­la ng mga ito. Kahit imbestigas­yon man lang sa naging transaksiy­on ng gobyerno sa Sanofi, upang maipabatid sa kanila...

Sundan sa pahina 11

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines