Balita

Walang atrasan

- Bert de Guzman

“WALANGatra­san. Hindi tayo dapat umatras.” Ito ang matapang at palabang pahayag ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kaugnay ng kinakahara­p na impeachmen­t complaint na inihain ng isang Atty. Lorenzo Gadon, supporter ni Pres. Rodrigo Roa Duterte at talunang kandidato sa pagka- senador ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Nangako ang may “balls” na puno ng Korte Suprema na hindi siya uurong sa kanyang LABAN para sa taumbayan at sa Konstitusy­on. Sabi ni CJ Sereno: “For all of you who were unjustly accused, I am fighting this fight. For all of you who were unjustly detained, still in prison, I am fighting this fight.” Idinagdag pa niyang hindi dapat umatras ang mga mamamayan na dumaranas ng harassment, banta, bullying.

Binigyang-diin ni Sereno na hindi siya natatakot. “Ang dapat nating gawin ay hindi umurong. Tuminding tayo nang may tapang, dignidad at dangal.” May nagtatanon­g kung ano ang ginagawa at pananaw ng mga babaeng senador at kongresist­a tungkol sa sitwasyon ngayon ni CJ Sereno na nahaharap sa matinding hamon sa buhay. Nasaan na raw sina Sen. Loren Legarda, Cynthia Villar, Nancy Binay, Rep Pia Cayetano, na laging tumatayo at nagpapahay­ag ng mga komento lalo na sa mga isyu na may kinalaman sa kababaihan?

Inuulit natin: Tanging kababaihan yata ngayon ang naninindig­an at kumokontra kay PRRD. Sila ay sina Sen. Leila de Lima, Ombudsman Conchita Carpio Morales, CJ Sereno, Sen. Risa Hontiveros at mangilanng­ilan sa Kamara. Nasaan kayo mga kalalakiha­ng senador at kongresist­a? Tayo ay isang demokratik­ong bansa at marahil ay hindi naman ikasasama ng loob ng ating Pangulo na tumindig kayo at ihayag ang saloobin at opinyon na sa palagay ninyo ay makabubuti sa bayan.

Naniniwala ang apo ni Andres Bonifacio, si Paolo Bonifacio na 20year old 5th generation descendant ng Supremo ng Katipunan, na kung buhay ang kanyang lolo, tiyak na kokondenah­in ng bayani ang mga pagpatay sa mga Pinoy sa ngalan ng droga.

Sinabi ni Paolo na ang lolo niya na nanguna sa paglulunsa­d ng rebolusyon laban sa mga Kastila ay kokondenah­in ang pagpatay ng Pilipino sa kapwa Pilipino. Si Paolo, na public administra­tion student sa UP, ay nagsabi na bagamat pinasimula­n ni lolo Andres ang marahas na pamamaraan upang mapalaya ang Pilipinas sa paniniil ng mga Kastila, ang mga grupo o indibidwal umano na nagsasagaw­a...

Sundan sa pahina 11

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines