Balita

UMULAN NG ASUL!

‘Nakabawi rin kami sa kampeonato’ – Thirdy Ravena

-

BUMAHA ng kulay asul na ‘ confetti’ sa MOA Arena, kasabay ang dausdos ng luha sa pisngi ng Ateneo Blue Eagles at mga tagahanga.

Sa harap ng record-crowd na 22,012, matikas na naghamok ang magkaribal na koponan para sa UAAP Season 80 men’s basketball championsh­ip, ngunit sa pagkakatao­ng ito, ang tropa ng Katipunan ang nagdiwang sa center court matapos mailusot ng Ateneo ang 88-86 panalo kontra La Salle Green Archers.

Nagpalitan ng three- pointer ang magkabilan­g panig sa huling dalawang minuto ng laro, ngunit pinakaimpo­rtanteng ang longdistan­ce shot ng 6-foot-6 center-forward na si Isaac Go na nagbigay ng limang puntos na bentahe sa Blue Eagles may isang minuto ang nalalabi sa laro.

Bago ito, naisalpak ni Archer Andrei Caracut ang three-pointer para idikit ang iskor sa 80-82 mula sa double digit na bentahe ng Ateneo may 2:24 sa orasan.

Digit ang laban, tulad ng inaasahan, at natapos ang third period sa 66-all.

Magkasunod na three-pointer ang naisalpak nina Matt Nieto at Anton Asistio para hilahin ang bentahe ng Eagles sa 74-68 may 6:37 ang nalalabi.

Tuluyang nakuha ng Ateneo ang momentum, ngunit hindi sumuko ang La Salle at sa huling dalawang minuto ay nakipagtag­isan ng lakas at determinas­yon para maibaba ang iskor sa dalawang puntos na agwat.

“Salamat at nakabawi rin kami,” pahayag ni Blue Eagles shooting guard Thirdy Ravena. “Yung three-pointer ni Isaac (Go) ang dagger. Talagang napilayan sila doon,” pahayag ni Raveva, patungkol sa three-pointer ni Go mula sa kanyang assist nang ma-trapped siya ng depensa ng Archers.

Ito ang unang kampeonato ng Ateneo mula nang makumpleto ang makasaysay­ang ‘fivepeat’ noong 2013 sa pangangasi­wa ni coach Norman Black.

Nabigo man na makumpleto ang kasiyahan matapos tanghaling MVP ng season, iginiit ni Ben Mbala na masaya siya at tunay na palaban na koponan ang umagaw sa kanilang korona.

“Well deserved win. We played tough, they play tough. It happens that luck went on their side in the crucial minutes,” sambit ni Mbala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines