Balita

Heart at Jericho, kinakikili­gan pa rin

- Ni NITZ MIRALLES

ANG daming nag-like sa picture nina Jericho Rosales at Heart Evangelist­a na for a long time ay ngayon lang yata muling nagkita.

Nagkataon-nagkatagpo ang dalawa sa dinner ng 80 years nang Rimowa, dinner for 12 lang ‘yun at kasama sa naimbita sina Jericho at Heart.

Lalong naging espesyal ang pagkikita ng ex-couple na pareho nang happy sa kanikanyan­g married life dahil kasama sa dinner ang wife ni Jericho na si Kim Jones. Dahil 12 lang sila at intimate dinner ‘yun, nagkita’t nagkausap sina Heart at Kim, sayang lang at wala silang picture habang nagtsitsik­ahan.

May pictures na magkasama sina Heart at Kim, pero kasama rin ang ibang female invited sa dinner kabilang sina Iza Calzado, Nadine Lustre at Solenn Heussaff. Sa isa pang picture, nasa dinner table sila at magkaharap sina Heart at Kim at katabi ni Kim si Jericho.

Sa isa pang picture, magkakasam­a ang 12 invited sa dinner, pero malayo si Heart kina Jericho at Kim.

Sa susunod na pagkikita ng tatlo, baka mas relax na sila sa bawat isa at baka pumayag pang magpa-picture na silang tatlo lang. Nag- sorry kina Kim at Senator Chiz

Escudero ang netizens na kinilig makita ang picture na nag-uusap sina Heart at Jericho. Bumalik daw sa alaala nila ang love story ng dalawa na hindi nagtapos sa altar dahil may mga balakid.

Samantala, patuloy sa pagpapakil­ig sina Heart at Alexander Lee sa My Korean

Jagiya at nagdoble kilig pa ang viewers sa pagkadagda­g sa series ni Andy Ryu, isa pang Korean actor na makakariba­l ni Alexander kay Heart.

 ??  ??
 ??  ?? Heart at Jericho
Heart at Jericho

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines