Balita

Ano ba ang ‘severe dengue’?

- Ni Mary Ann Santiago

Nilinaw kahapon ng French-based pharmaceut­ical company na Sanofi Pasteur Philippine­s, ang manufactur­er ng kauna-unahang bakuna laban sa dengue na Dengvaxia, na hindi nagdudulot ng malalang dengue ang naturang bakuna.

Ayon kay Dr. Ruby Dizon, medical director ng Sanofi Pasteur, “misinforma­tion” lamang ang nangyari, at iginiit na hindi ang Dengvaxia ang nagdudulot ng malalang sakit.

“I’d like to address the little misinforma­tion, hindi nakukuha ‘yung severe dengue from the vaccine. So, hindi dahil nabakunaha­n ka nagka-severe dengue ka, hindi siya ganon. Nakukuha mo siya dahil you had a subsequent exposure to the virus, so hindi dahil binigyan ka ng bakuna, magkaka-severe dengue ka,” paglilinaw niya sa pulong balitaan kahapon.

WALANG NAMATAY Nilinaw rin ng kumpanya na wala pa silang natatangga­p na ulat na may namatay sa mga naturukan ng Dengvaxia, taliwas sa pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na tatlong batang taga-Bataan ang nasawi umano matapos na tumanggap ng nasabing bakuna.

Giit ni Dizon, walang ganitong uri ng report na nakukuha ang kanilang kumpanya, at maging ang Department of Health (DoH).

Hiniling na ng VACC sa Department of Justice (DoJ) na ipahukay at ipasuri ang bangkay ng mga naturang paslit, na nabakunaha­n umano noong Abril 2016.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang VACC sa kanilang affiliates sa Region 3 para makakuha pa ng karagdagan­g impormasyo­n tungkol sa mga bata, at gayundin kay Health Secretary Francisco Duque III para makuha ang mga pangalan ng mga nabakunaha­ng bata sa National Capital Region (NCR), Region 3, at Region 4-A.

Nauna rito, naglabas ng bagong analysis sa Dengvaxia ang Sanofi at sinabing makatutulo­ng ang bakuna sa mga bata na dati nang na-dengue, ngunit maaari namang makaranas ng “severe disease” ang mga tinurukan nito na hindi pa dinadapuan ng nasabing sakit.

Paglilinaw ng Sanofi, hindi ito nangangahu­lugan na magdudulot ng pagkamatay o grabeng kondisyon ang bakuna, kundi maaaring magkaroon lamang ng mas matagal na lagnat, mas mababang platelet count, pagpapasa kapag nauntog, at makaranas ng balinguyng­oy kapag nainitan ang may “severe dengue.”

Matatandaa­ng dahil sa naturang bagong developmen­t ay nagpasya ang DoH na ipatigil muna ang pagbabakun­a kontra dengue.

Noong 2016, mahigit 733,000 bata na edad siyam pataas ang nabigyan ng unang dose ng Dengvaxia.

FULL REVIEW Samantala, magsasagaw­a ang World Health Organizati­on (WHO) ng full review sa datos ng paggamit ng Dengvaxia sa pamamagita­n ng Global Advisory Committee on Vaccine Safety at Strategic Advisory Group of Experts on Immunizati­on (SAGE) para sa pagpapalab­as ng revised guidelines sa paggamit ng naturang bakuna.

Habang nakabimbin ang pagaaral ng WHO, inirerekom­enda nitong gamitin lamang muna ang Dengvaxia sa mga taong na-dengue na.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines