Balita

Arjo at Sue, bagay sana pero pareho nang ‘taken’

- --Reggee Bonoan

NAKABIBING­I ang hiyawan at padyakan sa Pacific Mall Lucena City nitong Sabado ng hapon nang dumayo ang cast ng Hanggang Saan sa pangunguna nina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Yves Flores, Marlo Mortel, Viveika Ravanes at Sue Ramirez.

Alas kuwatro ng hapon ang event pero ala una y media pa lang ay mahaba na ang pila sa Pacific Mall theater. Pinaghanda­an ng supporters ang pagpunta nila dahil may mga dala-dala silang banner at placards na may nakasulat na, ‘Hanggang Saan – Pana (Paco at Ana) na ginamgapan­an nina Arjo at Sue. Nabasa rin namin ang Sujo (Sue at Arjo).

Akalain mo, isang linggo pa lang umeere ang Hanggang Saan pero malakas na ng tambalang Sue at Arjo. Totoo naman kasing may kilig silang dalawa.

Pinagmasda­n namin ang dalawa sa biyaheng iyon at halos wala na silang ginawa kundi magkulitan at mag-asaran. Kumpirmado ang sinabi ni Sue sa blogcon ng show na, “Ngayon lang po ako nakakita ng lalaking sobrang daldal, itong daldal kong ito, sinasabaya­n ni Arjo at sa totoo lang, mas madaldal siya sa akin.”

Kung hindi lang alam ng publiko na pareho nang ‘taken’ sina Arjo at Sue, iisiping may relasyon sila dahil maalalay ang aktor sa dalaga. At, take note, sa sasakyan ng binata nakisakay ang dalaga patungong Lucena City at pareho silang pupungas-pungas nu’ng dumating dahil parehong bagong gising, ha-ha-ha.

At heto pa, Bossing DMB, tuwang-tuwa si Sylvia kay Sue dahil, “Grabe, sobrang bugoy (jologs) pala, kasi wala siyang pakialam sa kilos niya, sasabihin niya kung ano ang gusto niyang sabihin. Tulad nu’ng inaabot na ng waiter ang kanin, kasi isa-isang binibigyan, eh, siguro gutom na si Sue, kinamay na ‘yung isang kanin kasi naka-cup naman, tawa kami nang tawa. ‘Yan ang gusto kong bata, walang pakialam, hindi pretentiou­s at nagulat ako, ang galing niyang kumain ng ulo ng isda at sinipsip pa ‘yung mata. Gusto ko si Sue.”

Oo nga, walang halong kaplastika­n si Sue at matagal na naming sinusulat na kapag nakikita namin siyang dumadaan sa ELJ hallway at marami ang gustong magpapictu­re, kahit nagmamadal­i ay humihinto siya at siya pa mismo ang humahawak sa cellphone para sa groupie o selfie ng fans.

Ilang beses din naming nakita si Sue na sumakay ng ordinaryon­g taxi. Take note, hindi Grab o Uber, huh. At nagta-tricycle rin siya.

“Wala pa po kasi akong car no’n,” sambit ni Sue sa amin.

Pero ngayon ay nabili na ng aktres ang kanyang dream car na Toyota Fortuner at hindi pa yata niya natatangga­l ang plastic cover, ha-ha-ha.

Sayang, may boyfriend na si Sue at may special someone na rin si Arjo, kasi bagay sana sila. Back to mall show ng Hanggang

Saan sa Pacific Mall Lucena City, nagsilbing host si Viveikapag­katapos kumanta na maraming humanga kasi ang ganda raw ng boses. Katuwang din ng komedayana ang ad-prom ng GMO Unit na si Vaughn Johnson Hautea.

First time naming mapanood mag- perfom si Marlo na magaling pala siya at maganda rin ang boses at marunong magpakilig ng female audience dahil nilalapita­n niya, niyayakap at dinadala sa stage para kantahan. Kaya pala maraming may gusto sa aktor dahil mabait.

Naaliw din kami kay Yves na sobrang daldal backstage, pero parang naubusan ng sasabihin nu’ng makaharap na sa maraming tao, kasi nautal ang binata.

Kilig-kiligan ang mga babae kay Yves at tinawag din siyang ‘Domeng’ na karakter niya sa serye.

Napansing malungkot ang binata dahil kaarawan pala niya at ng kapatid din niya pero sa halip na magkasama sila ay nasa trabaho siya na hindi naman niya mahindian.

Kaya sa pangunguna ni Sylvia ay sinorpresa ng buong grupo si Yves nu’ng mag-late dinner sa Max’s Restaurant sa Lucena City. Kinantahan at sinayawan din siya ng waiters at waitress kaya tuwangtuwa ang aktor.

Samantala, nu’ng si Sue na ang sumalang sa stage ay hiyawan to the max na naman ang mga tao at aliw kami dahil ang tawag sa kanya ay, ‘Sue-Sue (susu)’ at panay ang pa-cute niya na bentang-benta naman sa kalalakiha­n na may hindi napigilan dahil nagsiakyat­an sa stage para lang mayakap at magpa-picture sa kanya.

Walang production number si Nanay Sonya o Ibyang kaya nagpa-games na lang at kung sino ang makahula ng tamang sagot ay binigyan ng Hanggang Saan loot bag.

Sobrang na-touch ang aktres nang may lumapit na matanda at nagsabing, “Ngayon lang po ako pumunta ng mall show kasi gusto kitang makita ng personal kasama ko ang anak at apo ko, gusto ko lang magpapictu­re sa ‘yo. Ang ganda-ganda at ang bata mo pala bakit sa TV ang tanda mo tingnan?”

Si Mama Gloria ng The Greatest Love ang natatandaa­n ng lahat kay Ibyang pero narinig naming may mga tumawag na rin sa kanya ng Nanay Sonya.

“Isipin mo, third generation, lola, anak at apo dala-dala sa mall at nagpa-picture. Nakaka-touch kasi effort ‘yung ginawa nila, malayo pa yata pinanggali­ngan nila,” saad ni Ibyang.

Ang saya-saya ng bawat isa sa cast na marami silang napasayang tao sa unang mall show ng Hanggang Saan. Ang susunod yata ay dadalo sila sa Cebu Sinulog Festival sa 2018.

 ??  ?? Arjo at Sue
Arjo at Sue

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines