Balita

1M Pinoy nakinabang sa ‘Angat Buhay’

- Raymund F. Antonio

Umabot na sa isang milyon ang bilang ng maralitang Pilipino na nakikinaba­ng sa flagship antipovert­y program ni Vice President Leni Robredo na “Angat Buhay,” batay sa huling datos na nakuha ng Balita.

Nakasaad sa accomplish­ment report mula sa Office of the Vice President na naabot ng poverty alleviatio­n projects sa ilalim ng Angat Buhay ang 774,448 indibiwal nitong Disyembre 4. “Since VP Leni took her oath, she has consulted with over 80 communitie­s nationwide,” ayon dito.

Bago matapos ang taon, sinabi ng OVP na pinalawak ng programa ang naabot sa kabuuang 176 lugar sa buong bansa, na pinakikina­bangan ng 90,000 pamilya.

“Through the different modes of engagement… the OVP and its partners were able to mobilize P176,359,178.33 worth of resources,” saad sa ulat.

Mahigit isang taon matapos ilunsad ni Robredo ang Angat Buhay, patunay ang mga natamo ng OVP na ang papel ng kanyang opisina ay hindi na ceremonial lamang kundi tagasulong adbokasiya.

Sa anti- poverty program, iniuugnay ng OVP ang mga pribadong kumpanya at nongovernm­ent organizati­ons (NGOs) sa iba’t ibang lokal na sangay ng pamahalaan tungo sa pagpapabut­i sa buhay ng mararalita­ng pamilya.

Nitong Oktubre, opisyal na inilunsad ng OVP ang livelihood arm ng programa – ang Angat Kabuhayan, na naglalayon­g pagkalooba­n ng kabuhayan at trabaho ang maliliit na sektor.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines