Balita

Lolo tigok sa hit-and-run

- Orly L. Barcala

Patay ang isang matandang lalaki nang masagasaan ng rumaragasa­ng 10-wheeler truck habang tumatawid sa kalsada sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Ricardo Quinco, 70, dahil sa matinding pinsala sa kawatan.

Ayon sa mga saksi, tumatawid ang biktima sa Rizal Avenue, corner 5th Avenue, dakong 2:00 ng madaling araw.

Nasa kalagitnaa­n na ng kalsada si Quinco nang mabundol ng rumaragasa­ng truck at nagulungan pa ang katawan nito.

Sa halip na huminto ang driver ng truck para tulungan ang biktima, humarurot ito papalayo.

Napag-alaman na madilim sa lugar kaya hindi naplakahan ang truck.

Ayon naman kay PO1 Magno Cagurungan, titingnan nila kung may closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar upang malaman ang plate number ng sasakyan.

“Kapag nakilala natin ‘yung driver kakasuhan natin ng reckless imprudence in resulting to homicide,” ani PO1 Cagurungan.

 ?? ALI VICOY ?? ILEGAL NA BABUYAN Isa-sang isinakay ang mga baboy sa truck ng Pasig River Rehabilita­tion Commission (PRRC) bago giniba ang ilegal na babuyan sa Baseco compound, sa Maynila kahapon. Napagalama­n na itinatapon ng mga may-ari ng babuyan ang dumi ng...
ALI VICOY ILEGAL NA BABUYAN Isa-sang isinakay ang mga baboy sa truck ng Pasig River Rehabilita­tion Commission (PRRC) bago giniba ang ilegal na babuyan sa Baseco compound, sa Maynila kahapon. Napagalama­n na itinatapon ng mga may-ari ng babuyan ang dumi ng...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines