Balita

Kasambahay kulong sa qualified theft

- Orly L. Barcala

Kulong ang isang kasamabaha­y matapos umanong nakawan ng pera at alahas ang kanyang amo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Lerma Padon, 29, namamasuka­ng kasambahay sa pamilya Tachoco sa Barangay Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Base sa report, aabot sa mahigit P60,000 cash at mga alahas ang nakita sa loob ng kuwarto ni Padon.

Ayon kay Tachoco, madalas silang manakawan, ngunit hindi nila pinagbibin­tangan ang katulong dahil nagtitiwal­a ang kanilang pamilya sa huli.

Noong Oktubre, aniya, nanakawan sila ng mahigit P1 milyon at nitong Nobyembre ay nasunugan naman sila.

Simula noon ay sunud-sunod na ang pagkawala ng kanilang pera sa loob ng bahay at dito na nagduda ang Pamilya Tachoco kay Padon.

Bandang 9:00 ng gabi, humingi na ng tulong ang mag-asawang Tachoco sa mga pulis at hinalughog ang kuwarto ni Padon at tuluyang nakita ang mga nawawala nilang pera at alahas.

Todo-tanggi naman si Padon sa alegasyon at sinabing itinago niya ang pera at alahas sa pangambang nakawin ng iba pang trabahador ng amo.

Kinasuhan ng qualified theft ang suspek at inaalam kung maaari rin itong kasuhan ng arson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines