Balita

5 may warrant of arrest, laglag

- Bella Gamotea

Sa rehas ang bagsak ng limang katao dahil sa kinakahara­p na kaso sa magkakahiw­alay na insidente sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Sa ulat na ipinaratin­g sa Southern Police District (SPD), unang inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Parañaque City Police si Edgardo Navarro, Jr. y Libron, 56, empleyado ng city hall ng nasabing lungsod, sa kanyang bahay sa No. 777 Susafe Street, Barangay San Antonio, Parañaque City, bandang 8:00 ng umaga nitong Lunes.

Dinakip si Navarro sa bisa ng bench warrant of arrest, na inisyu ni ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 274 Judge Fortunito Madrona, para sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 Par 1(b).

Magkakasun­od namang inaresto ng mga tauhan ng WSS ng Las Piñas City Police sina Almabella Pangga y Alzona, 39, ng 457 Dona Pablo Subd. San Vicente, Biñan, Laguna; Jerry Loyde Cajara Guloy, 37, ng No. 243 Patola St., Bgy. CAA, Las Piñas City; Robby Martin Co; at Robert Panfilo Co y Lansi, kapwa nasa hustong gulang, at nakatira sa No. 7 M. Trinidad St., Gatchalian Subdivisio­n, Manuyo 2.

Base sa report, sinilbihan ng warrant of arrest si Pangga dahil sa kasong qualified theft, bandang 12:20 ng hapon.

May kaugnayan naman sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002, sa ilalim ng criminal case No.17-0987, ang pag-aresto kay Guloy.

Samantala, hindi rin nakapalag sa mga pulis ang magkapatid na Co nang silbihan ng warrant of arrest dahil sa kasong attempted homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines