Balita

7 sa NPA todas, 24 sumuko

- Francis Wakefield, Fer Taboy, at Liezle Basa Iñigo

Pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkuwentr­o kasabay ng pagkubkob sa pinakamala­king kampo ng kilusan sa South Cotabato, habang may kabuuang 24 na iba pa ang sumuko sa Agusan del Sur at South Cotabato sa nakalipas na mga araw.

Nakubkob ng 33rd Infantry Battalion at 27th Infantry Battalion ang kampo ng NPA sa Sitio Datal Bonglangon, Barangay Ned sa Lake Sebu, South Cotabato matapos ang bakbakan nitong Linggo ng madalingar­aw, at nakakumpis­ka ng dalawang baril at mga subersibon­g dokumento.

Pitong rebelde at dalawang sundalo ang napatay sa nasabing sagupaan.

Kinabukasa­n, bandang 3:00 ng hapon ay sumuko sa grupo ni Lt. Col. Harold Cabunoc ng 33rd IB ang 10 miyembro ng Platoon Arabo of Guerilla Front 73.

Iniulat din kahapon ang pagsuko sa militar ng 14 na miyembro ng NPA sa Talacogon, Agusan del Sur.

Sinabi ni 2Lt. Rommel Arnado, ng 26th Infantry Battalion, na bitbit ng mga rebelde—na pawang mula sa tribung Banwa-on, ang 16 na armas.

Samantala, bandang 8:30 ng umaga nitong Lunes nang makaengkuw­entro ng 71st Division Reconnaiss­ance Company (71DRC) at 81st IB ang nasa 15 rebelde sa Bgy. Balidbid sa Salcedo, Ilocos Sur.

Tumagal ng 30 minuto ang bakbakan hanggang sa umurong ang NPA, na pinaniniwa­laang nalagasan ng mga kasamahan, habang wala namang nasawi o nasugatan sa panig ng militar.

Nauna rito, nagkaroon din ng limang-minutong sagupaan ang militar at NPA sa Sitio Mabongtot, Bgy. Ududiao sa Sallapadan, Abra dakong 5:30 ng umaga nitong Sabado.

Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa magkabilan­g panig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines