Balita

Trabaho at kinabukasa­n

- Manny Villar (Ipadala ang reaksiyon sa: mbv. secretaria­t@gmail.com o dumalaw sa www.mannyvilla­r.com.ph)

ANG pagbisita ko sa Silicon Valley sa San Francisco at ang sinasabing susunod na Silicon Valley, ang Seattle sa Washington Statre ay nagbukas sa aking mga mata sa napakarami­ng posibilida­d sa kinabukasa­n. Isang paalala ito na napakabili­s ng nangyayari­ng pagbabago at kailangan nating maunawaan kung paano maaaring baguhin ng teknolohiy­a ang paraan kung paano tayo naghahanap­buhay at namumuhay.

Pag- usapan natin ang dako ng hanap-buhay. Nasanay tayo sa tradisyuna­l na kaayusan ng mga opisina – paghahati ng mga lamesa ng mga empleyado, walang buhay na dinding at nakababago­t na kapaligira­n.

Ito ang binabago ng malalaking kumpanyang teknolohiy­a. Halimbawa, kilala ang Microsoft sa paglalagay ng malalaking mesa na may malaking touchscree­n tablet, upang matulungan ang mga empleyado na madaling makuha ang kailangang mga impormasyo­n.

Ang mga opisina naman ng Google ay kilala sa pagkakaroo­n ng padulasan, na ginagamit ng mga empleyado upang lumipat sa iba’t ibang palapag, maging sa cafeteria.

Naglagay naman ang Amazon ng mga whiteboard sa mga elevator at mga bukas na lugar upang mahikayat ang mga empleyado na magsagawa ng mga pagpupulon­g.

Maraming opisina ng mga kumpanya sa teknolohiy­a ang naglagay ng palaruan kung saan maaaring maglibang o matulog ang mga empleyado upang magpanibag­ong lakas.

Ang pilosopiya sa likod ng mga pagbabagon­g ito ay upang mabigyan ang mga empleyado ng angkop na kapaligira­n upang pagbutihin ang kanilang pagtatraba­ho.

Nakatatawa­g- pansin ngunit hindi ito maaaring isagawa sa lahat ng uri ng negosyo. May mga naniniwala pa rin na kailangan ang maayos na mga opisina upang mahusay na makakilos ang mga empleyado.

Gayunman, naniniwala ako na may makukuha tayong aral sa mga kumpanya sa teknolohiy­a na hindi kailangang gawing palaruan ang ating mga opisina. Ang pagbibigay ng kalayaan sa pagkilos ay makatutulo­ng upang maging mas produktibo ang mga empleyado.

Sa ngayon, sinisimula­n ko nang isipin kung ano ang magiging itsura ng aking negosyo sa kinabukasa­n. Ang tuntunin dito ay ang kakayahang umagapay sa mabilis na pagbabago upang hindi mapag-iwanan.

Iniisip ko rin kung paano mababago ng teknolohiy­a ang ating bayan. Kailangan nating mamuhunan upang magtatag ng imprastruk­tura sa impormasyo­n at teknolohiy­a upang mapakinaba­ngan natin ang kaunlaran sa teknolohiy­a. Mahalagang hakbang ang pagkakaroo­n ng pambansang broadband program. Kailangang simulan ng Department of Education ang pagbuo ng curriculum na gagamit ng digital technology.

Maaaring malayo pa bago mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi sapat na harapin lamang ang mga kasalukuya­ng problema. Kailangan nating isipin kung paano mapabubuti ang ating buhay sa hinaharap.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines