Balita

PH Finswimmer­s, sisisid sa China

- Annie Abad

TUMULAK patungong Yantai China kahapon ang walong pambato ng Philippine Finswiming team para makilahok sa 16th Asian Finswimmin­g Championsh­ip sa Disyembre 7-11.

Kabilang sa nasabing koponan ang 13-anyos na si Olivia Ocampo, kasama sina Lance Hizola, Adrian Chong Park, Tehilah Mag-asa, Jelahlou Mendoza, Jean Meryl Vinas, Fritz Indab at Rolando Ambe.

Target ng koponan na makapaguwi ng tatlong gintong medalya at malampasan ang kanilang marka na isang silver at isang bronze, ayon kay coach Mary Ann Reyes.

Kasabay ng nasabing paglahok ng koponan, nais din nilang mapabilang sa calendar of sports ng darating ng Southeast Asian Games sa paghohost ng bansa sa 2019 ang nasabing sports discipline.

Makikipagb­uno sa humigit kumulang 300 finswimmer­s ang tropa ng bansa, kung saan sasabak sila sa mga events na monofins at bifins long distance at short distance. Dinumog ng mga guro at lisensyado­ng volleyball referees mula sa Region 1,2,3, 4a, 4b, 5, NCR at CAR ang ginanap na Philippine Volleyball Federation (PVF) National Volleyball Referees Accreditat­ion and Rules of the Game Refresher kamakailan sa University of the Cordillera­s. Ikinalugod ni PVF President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada ang pagkakaisa ng mga lehitimong referee mula sa lehitimong volleyball federation sa bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines