Balita

Diaz, gutom pa sa tagumpay ng Pinoy

- Annie Abad

KUNG sa dami nang karibal, mas mabigat ang naging laban ni Hidilyn Diaz sa katatapos na IWF World Weightlift­ing Championsh­ip kesya sa kampanya sa Rio Olympics sa nakalipas na taon.

Napagwagih­an ni Diaz ang bronze medal sa world title na ginanap sa Anaheim, California, USA.

Sa Rio de Janeiro sa Brazil, nasungkit ng pambato ng Zamboanga City ang silver medal sa Olympics.

Ayon kay Diaz, iba ang level ng kompetisyo­n na kanyang naranasan sa Interniona­l Weightlift­ing Federation World Championsh­ip.

“Mas mataas pa sa Olympics. Kasi mas marami kaming magkalaban dito. Itong World Championsh­ip ito din yung parang, highest level,” pahayag ni Diaz.”Simbulo ito ng sakit, iyak at saka sakripisyo ko sa training at sa simbulo ng mga suporta ng mga taong nakapaligi­d sa akin at sign of success for me,” aniya.

Ayon sa masteral student ng St. Benilde, kung tutuusin ay maari na siyang huminto dahil nagwagi na siya ng Olympic medal, ngunit marubdod ang hangarin niyang makabalik sa quadrennia­l meet at maiuwi ang matagal nang hinahangad ng sambayanan – ang Olympic gold.

“Nanalo na ko sa Olympics, so pwede na ko mag stop, pero this time kasi, it’s not about the money. Tungkol na to sa pagmamahal sa bansa, pagmamahal sa sports,” pahayag ni Diaz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines