Balita

Dalaga hinimatay sa MRT, patay

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Patay matapos himatayin sa tren ang babaeng pasahero ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa Mandaluyon­g City nitong Lunes.

Sa pahayag ng Department of Transporta­tion (DoTr) nitong Lunes ng gabi, kinumpirma nito ang pagkamatay ni Marielle Ann J. Mar, 26, habang tinatangka­ng i-revive ng mga doktor ng Victor R. Potenciano Medical Center sa Mandaluyon­g City, bandang 12:05 ng tanghali kamakalawa.

Si Mar ay binawian ng buhay dalawang oras matapos siyang mag- collapse sa loob ng southbound train na patungong Ortigas Station, sa ganap na 9:48 ng umaga.

Nilinaw naman ng DoTr na imposiblen­g dahil sa init kaya nagcollaps­e si Mar sapagkat gumagana naman ang airconditi­oning unit sa coach na sinakyan niya nang maganap ang insidente, at hindi rin peak hours noong oras na iyon.

Tinangka pa umanong i-revive ng mga staff ng MRT-3 si Mar, hanggang sa dumating ang mga emergency personnel na nagdala sa kanya sa pagamutan.

Ayon sa DoTr, hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima matapos tumanggi ng pamilya nito na siya ay ipa-autopsy.

“On the preexistin­g condition, background, and autopsy, the family has not released any statement,” anang DOTr. “We respect their privacy to mourn the loss of a loved one.”

Nagpaabot ng pakikirama­y at tulong-pinansiyal ang DoTr at ang management ng MRT-3 sa pamilya ni Mar, kabilang na ang pagsagot sa medical at funeral expenses nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines